Saturday , November 16 2024

Ex-BuCor head Bucayu humarang sa Bilibid raid (Magalong kumanta)

TINUKOY ni Philippine National Police (PNP) deputy chief for operations Director Benjamin Magalong si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu na responsable sa pagharang sa orihinal na raid plan sa Bilibid.

Ayon kay Magalong, sa pagharap niya sa House inquiry, binuo nila ang plano at binalangkas ang mga detalye ngunit si Bucayu ang pilit na humahadlang sa operasyon.

Ito aniya ang “Coplan Cronus” na naging pattern ng “Oplan Galugad” na hanggang ngayon ay ginagawa sa New Bilibid Prisons (NBP).

“Bucayu asked me to drop plans to raid NBP,” wika ni Magalong.

Katuwiran aniya ni Bucayu, manganganib ang kanyang buhay kapag natuloy ang pagsalakay ng mga awtoridad sa piitan.

Laking desmaya ni Magalong nang alisin sila sa actual operation at tanging mga tauhan na lang ng BuCor at K-9 units ang naging parte nang pagsalakay.

Sa hiwalay na salaysay ng ibang testigo, sinabi nilang si Bucayu ang protektor ng ipinapasok na mga kontrabando sa NBP, kaya naging talamak ang ilegal na aktibidad sa panahon niya sa nasabing tanggapan.

Wala pang inilalabas na tugon hinggil dito ang kampo ng dating BuCor chief.

De Lima pumasok sa kubol
ni Jaybee Sebastian — Witness

092216-patcho-jaybee-sebastian-de-lima

NANINDIGAN ang convicted inmate na si Jaime Patcho, pinilit siyang magbenta ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ng tinaguriang “king of drug lords” na si Jaybee Sebastian para sa pondo ng dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) at ngayo’y si Sen. Leila de Lima para sa kandidatura sa eleksiyon.

Si Patcho ang ikalawang high profile inmate witness na isinalang sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng House committee on justice.

Ayon sa tinaguriang ‘Batman’ gang leader ng piitan, si Jaybee ang itinuturing na batas sa loob ng Bilibid.

Pagsisiwalat niya, dalawang beses niyang nakitang nagtungo si De lima sa kubol ni Sebastian sa national penitentiary upang pag-usapan ang pera para sa kampanya sa pagtakbo bilang senador, mula sa pinagbebentahan ng droga.

Kaugnay nito, nangako ang testigo na sisikaping maibigay ang account name at number kung kanino idine-deposit ang nasabing drug money.

Witnesses vs De Lima ‘di pinilit

092216-colangco-song-de-lima

NANINDIGAN ang abogado ng ilang high-profile inmates na nagbunyag sa pagkakasangkot ni Senador Leila De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP), na hindi sila pinilit o tinakot para tumestigo laban sa dating kalihim ng Department of Justice (DoJ).

Sa isang statement, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, hindi sinaktan, binalaan o tinakot ang mga saksi sa kanilang pahayag na tumutukoy sa senadora kaugnay sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng NBP.

Si Topacio ang tumatayong abogado nina Noel Martinez, German Agojo, Joel Capones, Jerry Pepino, Jojo Baligad at Herbert Colanggo, umamin sa House Justice Committee na nangolekta sila ng pera para ibigay kay De Lima sa pamamagitan ng security aide ng senadora na si Jonel Sanchez.

Katawa-tawa aniya ang pahayag ng Senadora na kinuha ang kanyang mga kliyente sa NBP para isailalim sa interogasyon ng ISAFP facility sa Camp Aguinaldo.

Iginiit ni Topacio, kinuha ang kanyang mga kliyente mula sa Bilibid at inilagak sa ISAFP Headquarters dahil nanganganib ang kanilang buhay sa kamay ni Jaybee Sebastian, ang itinuturing na top drug lord sa loob ng Bilibid.

( JETHRO SINO CRUZ )

About Jethro Sinocruz

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *