Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

De Lima pumasok sa kubol ni Jaybee Sebastian — Witness

NANINDIGAN ang convicted inmate na si Jaime Patcho, pinilit siyang magbenta ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ng tinaguriang “king of drug lords” na si Jaybee Sebastian para sa pondo ng dating kalihim ng Department of Justice (DoJ)  at ngayo’y si Sen. Leila de Lima para sa kandidatura sa eleksiyon.

Si Patcho ang ikalawang high profile inmate witness na isinalang sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng House committee on justice.

Ayon sa tinaguriang ‘Batman’ gang leader ng piitan, si Jaybee ang itinuturing na batas sa loob ng Bilibid.

Pagsisiwalat niya, dalawang beses niyang nakitang nagtungo si De lima sa kubol ni Sebastian sa national penitentiary upang pag-usapan ang pera para sa kampanya sa pagtakbo bilang senador, mula sa pinagbebentahan ng droga.

Kaugnay nito, nangako ang testigo na sisikaping maibigay ang account name at number kung kanino idine-deposit ang nasabing drug money.

( JETHRO SINO CRUZ )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …