SA mga bumabatikos sa laban sa droga ni Pangulong Digong, mas mabuti na unawain at suporthan natin siya.
Seryoso talaga siya sa laban sa ilegal na droga nag sa ganoon wala nang masisirang buhay.
Buti nga, kapakanan ng bansa ang inuuna at hindi ang sarili nya. Napakasuwerte natin, we have a president like him.
Ipagdasal po natin siya palagi.
***
Dapat na lagyan ng CCTV ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para makita ang ginagawa ng marami pang buwaya sa gobyerno.
‘Wag natin punahin si BOC Comm. Nick Faeldon sa paglalagay ng maraming CCTV sa customs.
***
Dapat paimbestigahan ang malaking bidding na nangyayari na pet project ng dating tao ni Sec. Abad na si Mrs. Lejos.
Grabe raw ang raket diyan sa mga bidding ni Lejos?
Balita natin nandiyan pa sa DBM si Lejos, bakit hindi dalhin sa Mindanao ‘yan?
***
Paging Comm. Nick Faeldon, pakisilip ang isang bagman ng BOC-AMO na naka-land cruiser. Grabe raw ang yaman nito sa dami ng naging biktima.
***
Sana maibalik na sa puwesto ang mga customs collector (CESO holder) na dinala noon sa CPRO.
Sila kasi ‘yung matatalino at bihasa sa Customs & Tariff Code.
Maaasahan sila ni Comm. Faeldon sa pagkolekta ng tamang buwis sa gobyerno.
***
Ang galing talaga ng ginagawa ng NBI ngayon sa pamumuno ni Director Atty. Gierran at ni anti-illegal drugs Chief Atty. Joel Tubera.
Sunod-sunod pa rin ang huli nilang mga drug pusher.
Keep up the good work NBI!
***
Sino si JAY R TOLENTINO na big time smuggler sa pier?
Puro top of the line ang kanyang sasakyan, 12 puro high-end gaya ng Hummer. Paano hindi yayaman ‘e puro misdeclaration ang trabaho niya sa customs.
Kayang-kayang magpatalo nang milyon sa sabungan.
Tama ba Mr. Sevilla?
PAREHAS – Jimmy Salgado