Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nandiri sa sweetness nina Karla at Rommel

BONGGANG-BONGGA  ang guesting ni Mommy Eva Carino sa Magandang Buhay dahil first time niyang makaharap sa telebisyon ang  manugang (na hilaw?) na si Karla Estrada na isa sa hosts ng morning show.

Gulat na gulat ang audience nang dumating si Daniel Padilla at mamaya-maya naman ay ang tatay nitong si Rommel Padilla.

In fairness kay Rommel, ang tikas pa rin at parang hindi tumatanda.

Nagluto si Mommy Eva kasama si Rommel ng spaghetti na may halong atay ng manok. Ini-request ni Melai na subuan ni Rommel ng spaghetti si Karla kaya naghiyawan ang mga tao sa studio na marami ang kinilig.

Pero si Daniel, diring-diri sa sweet moments ng kanyang biological parents.

“Nakakadiri,” sabi ni Daniel.

Narinig iyon ni Rommel at sinabing, ”dahil sa nakakadiring tagpo, nabuo ka.”

Puro magagandang salita naman ang sinabi ni Karla kay Mommy Eva. Kahit hindi sila nagkatuluyan ni Rommel pero may mga pagkakataon na ipinahahanap ni Mommy Eva kung saan na nakatira sina Karla at Daniel para alamin kung ano na ang kalagayan  at nagbibigay ng financial help.

Si Mommy Eva naman, panay ang puri niya kay Karla lalo na noong araw dahil napakaganda raw nito at ang seksi-seksi.

Umalis kaagad si Daniel at parang hindi nga niya nai-promote ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na  Barcelona kaya si Karla na ang gumawa.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …