PATAY ang isang bilanggo sa Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila makaraan ang sinasabing pagdagan ng kapwa bilanggo.
Ayon sa ilang saksi, madalas i-bully ng suspek na si Noriel Orbeta si Mario Santos, bago binawian ng buhay ang biktima.
Pinaniniwalaang kinapos ang paghinga ni Santos dahil sa pagdagan ni Orbeta habang natutulog ang biktima.
Napag-alaman, isang linggo pa lang sa MPD detention facility ang biktima habang ang suspek ay hinihinalang may problema sa pag-iisip.
Iniimbestigahan ng MPD ang naturang insidente.
( LEONARD BASILIO )