Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, mahusay tumugtog ng piano

NAPANOOD namin ang mga ipinost ni Ellen Adarna sa kanyang IG account na tumutugtog sila ng piano ng kanyang mama ng Blue Moon at dito lang namin nalamang may ibang talent pala ang sexy actress bukod sa pag-arte.

Bagamat matagal na naming nabalitaang nagmula si Ellen sa mayaman at nirerespetong angkan sa Cebu ay kuwestiyonable sa amin kung bakit mas pinili nitong magbilad ng katawan at ang sabi ng lahat ay ‘pasaway siyang anak.’

Base sa napanood naming, napaka-simple ng dalaga na naka-short at puting shirt na walang make-up habang tumutugtog katabi ang ina.

Parang mas na-appreciate namin si Ellen sa hitsura niyang iyon na simple at walang make-up habang nagba-bonding silang mag-ina sa pamamagitan ng pagtugtog ng Blue Moon.

Parang ibang Ellen kasi ang nakikita namin kapag nasa presscon.

Anyway, ano ba ang project ngayon ng dalaga, Ateng Maricris? (Siya ang gumanap na dalagang Gloria (Sylvia Sanchez) sa The Greatest Love na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN pakatapos ng Doble Kara—ED)

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …