Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, nadi-distract sa ‘bukol’ ni Elmo

TINANONG si Ogie Diaz sa set visit ng Born For You bilang si Desmond kung bakit mabilis matatapos ang serye?

Ang sagot ng katotong Ogie, ”lahat naman ng teleserye, ang peg niyan, one season, ang alam ko ha? Nagkataon na hindi na mabanat ‘yung kuwento. Naku, dati nga, mayroon kaming teleserye ano lang 11 weeks dati ‘yung ‘Mutya’ (2011).”

Ano naman ang masasabi ni Ogie sa ElNella.

“Sa dalawa, siyempre mami-miss ko na ang bukol ni Elmo, ha, ha, ha,” tumawang sabi ni Ogie.

Kasama ba talaga sa panulat ang bukol ni Elmo? ”Bukol express ang lolo mo, minsan nga, nakaka-distract, eh,”  humahalakhak na sabi pa ni Ogie.

Sabi pa, ”anak (Elmo), ‘yung bukol mo (halata).  At sumagot naman talaga raw si Elmo ng, ‘eh, ganyan talaga ‘yan’.”

At baka saan pa mapunta ang usapan kaya iniba namin ang tanong kung nagpa-drug test na si Ogie.

“Ay ano ba ‘yan, anytime, puwede ako (drug test). Huwag lang silang mag-expect na pula ang dugong lalabas ha (kasi berde raw).

“Dapat nga lahat ng artista, nagpapa-drug-test para ma-prove na hindi sila adik, ‘yung iba kasi ihi lang, puwede namang dayain. Dapat daw buhok para mas effective,” paliwanag ng komedyante.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …