Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex at present GF ni Luis Manzano na sina Angel at Jessy patalbugan sa paseksihan

SAMPAL raw sa present girlfriend ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola ang pagkakapili kay Angel Locsin ng

Sexiest Nationalities in the World ng MTV Australia na pumuwesto sa No. 8 ang Kapamilya aktres.

May nang-iintriga sa dalawa na pinataob raw ni Angel pagdating sa paseksihan si Jessy kasi pang local lang ang titulo nitong 2016 FHM Sexiest Woman samantala pang-international naman ang title ng una.

Kasama pala ni Angel sa No. 8 sa male category si Tim Omagi na isang Nigerian. Number 1 sa listahan sina Colin Farrel at Kim Kardashian.

Ang iba pang nasa lists ay sina: No. 2 – Liam Hemsworth at Rihanna; No. 3 – Zayn Malik at Kate Upton; No. 4 – Leonardo DiCaprio at Sofia Vergara; No.5 – Alex Pettyfer at Emma Watson; No.6 – Gerald Butler at Margot Robbie; No. 7 – Francesco Totti at Adriana Lima; No. 9 – Nikolaj Coster-Waldau at Nina Dobrev at sina Javier Bardem at Amal Clooney naman sa No. 10.

Ang edge ni Angel, among our local stars ay tanging siya lang ang nag-iisang napabilang rito.

Pang-international ang Beauty gyud!

BOYONG MAGIGING BASKETBALL
SUPERSTAR SA WANSAPANATAYM

Kung noon ay madalas pagtawanan at insultuhin si Boyong (McCoy De Leon) sa kanyang pagiging lampa.

Ngayon dahil sa kapangyarihan ng lahing tikbalang ay mas mabilis pa sa kabayo kung kumilos ang binata. Kaya laking gulat ni Sassy (Jane De Leon) nang masaksihan mismo nang personal ang kakaibang Boyong at maging ang coach sa basketball at mga madalas mam-bully sa kanyang si Alex Diaz at mga ka-team player ay hindi makapaniwala sa galing ni Boyong sa pag-shoot ng bola na sumasampa pa sa ring.

Ang hindi nila alam dahil ‘yon sa tatlong gintong buhok ni Boyong at dagta ng puno na ipinaiinom sa kanya ng mga diwata ng kagubatan na sina Alora Sasam at Jai Agpayan nang sa ganoon kahit na isa siyang tikbalang ay hindi pa rin magbabago ang itsura niya.

Ngunit pilit na pinaniniwala si Boyong ng kanyang poster parents na sina Nikki Gil at Epi Quizon na ang lakas niya ay nagmumula sa ipinaiinom sa kanyang herbal tea ng ina.

Nagbabadyang magiging Basketball Superstar si Boyong at hindi makapapayag rito ang matagal nang may inggit sa kanyang si Alex.

Abangan ang iba pang magical scenes sa Wansapantaym Presents: Tikboyong ngayong Linggo ng gabi sa ABS-CBN-2.

EB BABE HOPIA WAGI SA ACCEPTED CHALLENGE TINALO
SINA SEXBOMB LOUISE THAT’S MY BAE KIM AT UMD DANCER JAMES

Kakaiba ang segment ng Eat Bulaga na “Accepted Challenge” na buong linggo ay iba-ibang challenge ang hamon sa mga celebrity na gustong lumahok dito.

Like this week, ang challenge ay sasayaw ng hip-hop na naka-costume ng mascot at apat ang sumalang sa first grand weekly, sila ay sina Sexbomb Louise Bolton bilang Princess Doll, EB Babe Hopia (Anne) as Kangaroo, That’s My Bae Kim bilang Rabbit at UMD Dancer James Salas as Star Player James.

Nag-stand out para kina Alden Richards at Maine Mendoza at 37 Dabarkads na nagsilbing judges sa Accepted Challenge, walang iba kundi si EB Babe Hopia.

Bukas Lunes, matindi uli ang hamon at ‘yan ay

magsasayaw ng Tango ang taong grasa at nagbigay ng sample rito si Sexbomb Dancer Rochelle Pangilinan na hanep ang ipinakitang performance.

Ang nasabing segment ay hatid ng Flanax at araw-araw itong mapapanood sa Bulaga.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …