IPINAG-UTOS agad ni Pangulong Duterte na panagutin ang gumawa ng bombing sa Davao na ikinamatay ng madaming civilian.
Umaksiyon agad si NBI Director Atty. Dante Gierran matapos ang pagsabog sa Davao at nagpatawag ng emergency meeting sa NBI.
Iniutos sa kanyang mga tauhan na palakasin ang Intelligence gathering at hulihin ang gumawa nito.
Si PNP chief Gen. Bato Dela Rosa at AFP Chief General Visaya ay umaksiyon agad.
Si Davao Mayor Sarah Duterte at VM Paolo Duterte ay agad nagpalabas ng P2 milyon para sa makapagtuturo kung sino ang may kagagawan nito at humingi ng panalangin na magkaisa at magdasal para sa bayan at labanan ang terrorismo.
Talagang nagsama-sama silang magkakapatid para sa kapayapaan sa Davao.
Isa lang ang ibig sabihin nito, manggulo at ipahiya si Pangulong Duterte.
Tulungan po natin si Tatay Digong upang magtagumpay siya at ipagdasal natin na he is always in good health.
***
Tama lang na may CCTV sa Customs para malaman ng taongbayan na wala nang corrupt diyan.
Dapat lahat ng government agencies na corrupt ay lagyan ng CCTV gaya ng ginawa ni Comm. Faeldon.
Pero dapat ang accreditation ay lagyan ng camera lalo ‘yung opisina mismo ng hepe sa loob at mga assistant niya.
Sa loob rin ng law division at run against the smuggler (RATS) dahil nandoon umano ang malalaking transaction.
Kinasuhan na umano ni Comm. Faeldon ang bagman ng accreditation sa DOJ na nagkamal nang milyong halaga na dati’y naka-tsinelas lang pero ngayon ay gold na raw ang sapatos.
‘Yan ang dapat makulong.
***
Comm. Faeldon sir, totoo ba na may contractual employee riyan na hindi taga-Davao na matalino at hindi naman corrupt ay tinanggal mo raw?
Sir Faeldon, paki-check lang ang report na ito.
PAREHAS – Jimmy Salgado