ANG importation ng mga bigas at asukal ay hindi mahihinto.
Bakit?
Dahil every time na may nahuhuling kontrabando ng mga bigas at asukal ay inilalagay ng Bureau of Customs for AUCTION na ang main reason is to generate revenue.
Bakit hindi ilagay for destruction o donation ng BOC authority for violation of customs Laws?
Hindi ba, kaya nga hinuhuli is to protect ang ating mga magsasaka?
Kaya nga restricted ang importation, ‘di ba?
Kung ilalagay ito sa subasta, balewala rin, kakalat din sa merkado ang smuggled rice & sugar at lalabas na legal ito.
Mayroon ba kayong masasabi na naitulong sa ating magsasasaka sa ganitong processo?
Waley ‘tol!
Isa ang prosesong ito na ginagamit ng mga
rice & sugar smuggler kapag hindi kayang gawin ang pandaraya sa processing nito sa customs.
Isa ito sa mga life nine nila.
Ia-abandon at maghihintay ng ilang buwan na ma-auction at kukuha ng legitimate bidder para makuha ulit nila ang kontrabando.
Tila mas gusto pa nila ang ganitong sistema, kahit daw matagal ang processo ay LESS naman daw ang gastos at very legal pa. Walang pakiusapan at tarahan kahit singko sa customs.
Kung ganito nga ang sistemang ginagawa ngayon ng rice/sugar importer, hindi nga matitigil ang raket na gaya nito.
By the way, totoo ba Finance Secretary Dominguez and Commissioner Faeldon na ang NFA at SRA ay may certain percentage/parte sa auction ng bigas at asukal sa customs?
Alam po ba ninyo ‘yan?
Nagtatanong lang po.
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal