ISINUSULONG sa Kamara ang paglagay ng lesbian, gay, bisexual at transgender help desk sa lahat ng mga estasyon ng pulisya.
Sa House Bill No. 2592 ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, layunin nito na maiwasan ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT.
Tututok aniya ang nasabing help desk sa mga reklamo ng pang-abuso at iba pang krimen laban sa mga miyembro ng LGBT.
Aniya, sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga biktima na miyembro ng LGBT community, na sumangguni at magreklamo sa pulisya kapag sila ay naagrabyado.
Hindi umano maikakaila na dahil sa diskriminasyon kadalasang nagiging biktima ng karahasan ay mga LGBT.
Pinatitiyak sa pambansang pulisya ng nasabing panukala ang gender neutrality sa pagkuha ng kanilang mga tauhan.
( JETHRO SINOCRUZ )