Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NFA, NEA, NIA nais nang lusawin ni CabSec. Evasco

NARITO pa ang isang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na nag-iisip, una ang kapakanan ng bayan bago magsalita o gumawa ng desisyon.

Narito si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, Jr., na imbes magdagdag ng gastos ay sinikap pag-aralan ang 12 ahensiyang inilagay sa kanyang portfolio. Kaya nakita niya, mayroong mga ahensiyang puwede namang lusawin na pero hindi makaaapekto sa normal na operasyon ng gobyerno.

Matatandaan na isinailalim sa cabinet portfolio ang 12 ahensiya sa ilalim ng pamamahala ni Cabinet Secretary Jun Evasco, ito ang Cooperative Development Authority (CDA), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), National Anti-Poverty Commission (NAPC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), National Food Authority (NFA), National Youth Commission (NYC), Office of the President-Presidential Action Center (OP-PAC), Philippine Commission on Women (PCW), Philippine Coconut Authority (PCA), Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

082016 evasco duterte NFA NEA NIA

Sa loob nang halos mahigit 30-araw sa kanyang pagkakatalaga bilang Secretary to the Cabinet, iminumungkahi ni Secretary Evasco na lusawin na ang NFA, National Irrigation  Administration (NIA) at National Electrification Administrator (NEA).

Napakasimple ng rason ni Secretary Evasco pero totoong-totoo naman.

Aniya, ang NIA ay nagtatayo ng malalaking irrigation dams pero imbes pakinabangan ng magsasaka ay naglubog sa baha sa maraming barangay.

Aniya, malaking halaga ng pondo ang nalustay sa irrigation dams, nakaprehuwisyo po!

Mas mainam pa umano kung maliliit na impounding facilities ang ipinagawa, napakinabangan pa umano ng mga magsasaka at hindi pa gumastos nang malaki.

Sa Bohol, mayroong tatlong multibillion-peso irrigation dams: Malinao sa Pilar town, Capayas sa Ubay at Bayongan sa San Miguel.

Ang NFA bukod sa walang pera, may utang pang P167-bilyon.

Bukod diyan, alam nang lahat na ang NFA ay nagagamit lang sa rice smuggling ng ilang player sa Bureau of Customs.

Mas mainam pa umano kung gawin itong regulatory board na hindi sangkot sa rice industry at lalong hindi makikialam sa merkado.

Ang NEA? Tapos na umano ang mandato ng NEA. Iniaangal ang NEA ng 129 electric cooperatives nationwide dahil hindi naman umano nakatutulong.

Mabuti na lamang at tapat sa kanyang paglilingkod  si Secretary Evasco.

Kung hindi siya nagmamalasakit sa bayan, puwede namang huwag nang lusawin ‘yang tatlong ahensiya na ‘yan, kundi pasukan nang pasukan na lang niya ng mga taong humihingi ng pabor sa kanya na makapasok sa Duterte administration pero hindi niya ginawa.

Kung sa buhok titingnan tila matandang-matanda na si Secretary Evasco pero kung susuriin ang kanyang paninindigan, ang alab ng pagnanasang makapaglingkod sa kanyang puso ay hindi nagmamaliw…

Sana lahat ng Gabinete ni Presidente Digong  ay kagaya ni Secretary Jun Evasco.

PERSONNEL ORDER
NI BI COMM. MORENTE
SINUPALPAL
NI SOJ AGUIRRE

070216 immigration doj

MULING pinatunayan ng DOJ ang ‘angas’ ng kanyang kapangyarihan matapos soplahin at bawiin sa pamamagitan ng isang memorandum galing kay SOJ Vitaliano Aguirre ang ilang personnel orders (PO) para sa ilang matataas na opisyal sa BI lalo na ‘yung mga tinatawag na epal ‘este’ bright boys ni expelled ‘este ex-Commissioner SiegFraud ‘ehek’ Siegfred Mison at loyal friends ni Sen. Leila de Lima.

Malinaw pa sa sikat ng araw na “DISAPPROVED” sa panlasa ni SOJ Aguirre ang 16 officials, OIC at iyong mga instant promoted na mga tuta ‘este’ personalidad na identified sa administrasyon noon ni Pabebe-boy Mison.

Sus ginoo!

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin!

Bakit kasi ipinagpipilitan sa puwesto ‘yang mga ‘yan ‘e karamihan sa kanila loyal followers ni dating SOJ Leila De Lima?!

‘Di ba totoo naman ‘yan, Atty. Norman “all-seasons” Tansingco!?

Naturalmente magre-react ang DOJ lalo pa at hate na hate ngayon ni Presidente Digong si Madam Leilai ‘este’ Leila De Lima.

Kasama sa tinamaan sina OIC Executive Director Joeffrey Tupas; OIC Intel-Chief, Charles Calima; Chief of Staff Norman Tansingco; Atty. Vicente Hungkag ‘este Uncad at ilang TCEUs na naging instant bisor dahil sa inireklamong panlalait sa OFWs na sina IO Mura-flor este Miraflor; IO Dimaandal; IO Golimlim; IO Melvin Mabulac; IO Raul “ES” Medina; IO Angelica Timtiman; IO Joan Ruiz at ilan pa.

Huh?!

Nakapagtataka naman kasi na sa dinami-rami ng puwedeng pagkatiwalaan diyan sa BI-OCOM e ‘yung mga nagsilbi at nakinabang pa sa administrasyon ni PNOY ang kailangang ipuwesto?!

Alam naman ng lahat sa bureau na solid at die hard De Lima followers ang mga ‘yan.

Nakanal tuloy si Comm. Morente!

Kung hindi talaga magdodoble-ingat si Commissioner Bong Morente sa mga isinasalang na papeles sa kanya baka hindi lang sandamukal na bulilyaso ang mangyari.

‘Yan ay dahil sa style bulok na diskarte ng forever followers ni Pabebe boy Miswa ‘este Mison.

I think it’s about time, Sir, to look back into the Bureau’s history at malalaman po ninyo kung sino ang nasa likod ng mga indulto ng nabanggit na commissioners.

PO1 RAMOS AT PO1 PASCUA
PAKISAGOT ANG REKLAMO SA INYO!

SIR Jerry, report ko po sa iyo na sana makarating e2 sa ating PNP chief Bato dela Rosa. Last July 28 am po nakahuli po ang mga pulis PCP Peralta sa pangunguna ni PO1 Ramos at PO1 Pascua ng adik. E2 rin po ang s’yang nagbebenta ng shabu at marijuana d2 po sa Brgy. 598, ang name po a.k.a. Tale Bakla at dinala po nla sa brgy. Nakadedesmaya po, imbes dinala nila sa Station 8 para sa kaukulang imbestigasyon ay nakalabas din. Balita pa galing mismo kay a.k.a. Tale Bakla ang 6k na hiningi ng mga pulis. Ano ba ‘yan sir!? – Concerned Citizen po.

+63920102 – – – –

KOLEKTONG IPINALIT
DUTERTE PLATE
SA ERAP PLATE

SIR Jerry, gandang araw po! Sumbong ko lang po itong ASO ni Mayor Erap. Dati po ang plaka ng kanyang kotse black Inova ay ERAP dahil nailabas po d2 sa HATAW D’yaryo ng Bayan, inalis po ‘yung Erap plate at ang ipinalit po ngayon ay DU30. Cya din po ang tagakolekta ng tongpats. Cya po c Capt. J——e! Kolektor din po ‘yan ni Task force vendor ni ka Ver.

+63995567 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *