Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilalang actor, namimili ng kakausaping press

HINDI pa rin pala kampante ang kilalang aktor kapag may presscon siya para sa projects niya dahil siya raw mismo ang namimili ng entertainment press na iimbitahin.

Nabanggit ito sa amin ng taga-TV production na hanggang ngayon ay hindi nakalilimutan ng kilalang aktor ang ilang miyembro ng media na isinulat siya ng hindi maganda noong kasagsagan ng mga isyu sa kanya tungkol sa personal nitong buhay, projects at katrabaho.

“Eh, kasi ayaw ng maulit ni (kilalang aktor) na paulit-ulit na tinatanong siya tungkol sa mga past niya, tungkol sa mga nangyari sa kanya noon, alam mo naman ‘yun, nakangiti pero nagtatanda,” kuwento sa amin.

Mahilig daw talagang umiwas ang aktor sa press maliban na lang kapag may presscon siya dahil wala naman siyang choice.

“Lalo na ngayon, may isyu na naman tungkol sa kanya, eh, ayaw na niyang pag-usapan pa para hindi na humaba pa. Kaya kung mapapansin mo, lahat ng imbitadong press, ‘yung kabatian niya o kaya alam niyang hindi siya tatanungin ng kung ano-ano, mahilig din kasing sumawsaw sa isyu lolo mo ‘pag naipit, hayan, panay ang iwas,” kuwento pa ng taga-production.

Pansin naman namin ay mahilig dumikit ang kilalang aktor sa mga babaeng may sabit na kaya ‘yung mga jowa nila ay mainit din ang dugo sa aktor na hindi lang nila maaway dahil tiyak na hindi na sila mabibigyan ng career dahil sikat ang aktor at mahal na mahal ng lahat.

Ang tanong, hanggang kailan haharapin ni kilalang aktor ang takot niya sa press, ‘di ba nga sabi Ateng Maricris, ‘face your fears?’

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …