SA November nakatakdang magsilang si Mariel Rodriguez-Padilla, ang magandang misis ni Robin Padilla. Noon pa man, marami na ang humula na babae ang isisilang ni Mariel dahil habang nagbubuntis ay ang napakaganda nito.
Bukod kay Mariel na first time mom, happy din siyempre ang kanyang esposo na si Robin Padilla dahil finally, nakabuo na sila ni Mariel although may nasulat noon na gusto ni Robin na lalaki ang magiging panganay nila ni Mariel pero at least, happy pa rin siya kahit babae pa ito.
Nakadalawang babae na kasi si Robin kay Liezl Sycango, sina Queenie at Kylie pero may lalaki namang anak sila ni Liezl, si Ali na by this time, nagbibinata na at guwapong rin na puwede ring mag-artista.
MAKATAS – Timmy Basil