Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Piolo, gagawa ng pelikula sa Regal

00 fact sheet reggeeANG saya-saya ni Mother Lily Monteverde sa nakaraang presscon ng That Thing Called Tanga Na dahil positibo ang reaksiyon ng entertainment press ng mapanood ang trailer ng pelikulang ipalalabas na sa Agosto 10.

Kumita kasi ang mga pelikulang ipinrodyus niya kamakailan kaya panay ang pasalamat niya sa mga tulong na ibinibigay sa mga pelikula niya tulad nitong huli na I Love You To Death na pinagbidahan nina Enchong Dee at Kiray Celis at ang naunang Love Is Blind.

At nagsabi siyang suportahan daw ulit ang pelikulang That Thing Called Tanga Na nina Angeline Quinto, Martin Escudero, Kian Cipriano, Billy Crawford, at Eric Quizon mula sa direksiyon ni Joel Lamangan na ipalalabas na sa Agosto 10.

“Tulungan mo pelikula ko ha,” lambing sa amin ni Mother Lily.

Bukod dito kaya maganda ang mood ng Regal matriarch ay dahil gagawa ng pelikula si Piolo Pascual sa Regal Entertainmment kasosyo ang Star Cinema at Spring Films.

Very refreshing daw ang pelikula dahil kukunan ito sa New Zealand at si Yen Santos ang leading lady ni Piolo na ididirehe naman ni Dondon Santos at kung walang magiging aberya ay nitong Agosto na ang alis para mag-shooting.

Maganda ang New Zealand dahil dito kinunan ang Lord of The Rings kaya excited ang lahat.

Dalawa naman ang naisip na titulo ng pelikula, ang Once In A Lifetime or Northern Lights pero mas gusto raw ni Mother Lily ang una.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …