Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Housemates ng PBB7, dinala pa sa Vietnam

00 fact sheet reggeeSOSYAL ang Season 7 ng Pinoy Big Brother dahil may bagong bahay na titirhan ng mga napiling housemates, sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Ang ilan celebrities na lumipad patungong Vietnam noong Martes ng tanghali ay sina Yassi Pressman (Viva artist), Nikko Natividad (Gandang Lalaki winner ngIt’s Showtime), at Hashtag member McKoy de Leon.

Na-hold naman sa Immigration sina Juan Karlos Labajo, Jinri Park, at hunk housemate dahil nagkaroon daw ng problema sa immigration cards at visa.

Ayon sa ulat sa TV Patrol, walang idea ang celebrity housemates kung saan sila dadalhin dahil blindfolded sila, nakasuot ng hood at naka-earphone para hindi marinig ang usapan pero tiyak na may idea naman siguro sila na sumakay sila ng eroplano.

Sa tanong kay ABS-CBN head of Production na si Direk Laurenti Dyogi kung bakit sa ibang bansa gagawin ang PBB 7, sinabi nitong, ”Sa tagal na natin sa ere, eh, medyo nakabisado na ng mga viewer, ng ating housemates.

“Gusto rin natin ng isang lugar na kahit sa history natin ay may relationship, there were Vietnamese refugees in Palawan and marami tayong similarities tulad na lang sa prutas at sa temparatura,” paliwanag nito.

Samantala, mapapanood na ang PBB7 sa Hulyo 11, Lunes at papalitan niya angJane The Virgin at We Love OPM na napapanood naman tuwing Sabado at Linggo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …