Sunday , December 22 2024

Isang batman na lang ang natira sa OKC

TINULDUKAN na ang pag-asa ng Oklahoma City Thunder na maging kampeon pa ng NBA.

Dahil kahapon ay putok sa lahat ng balita sa internet na pumirma na ng bagong kontrata ang free agent na si Kevin Durant sa Golden State Warriors.

Kaya doon sa mga fans ni Durant, tiyak na lipat na rin sila ng itsi-cheer sa susunod na season ng NBA.

Well, pagkatapos ng rigodon na iyon ay inaasahan na ang mga kritisismo laban kay Durant, lalo na ang fans ng Thunder.  Kitang-kita na kasi ang pag-usad ng team sa nakaraang season na kung saan ay umabot sila sa Western Conference finals.   At take note, muntik na nilang masilat ang Warriors na umabot pa nga ng Game 7.

Pagkatapos ng pagkabigo sa Warriors sa West Finals, dito na simulang mangarap ang mga fans ng Thunder pero hanggang doon na lang pala ang pangarap dahil hindi na madudugtungan ang pananalasa ng OKC.

Wala na ang isang Batman ng OKC at isang Batman na lang sa katauhan ni Russell Westbrook na lang ang magtitimon ng Thunder.

Ang tanong ngayon ay kung magji-jell naman kaya si Durant sa line-up ng GSW?

Alam naman natin na malalim ang bench ng GSW.   Naroon sina Steph Curry, Thompson at Green.   Ano ngayon ang gagampanan niyang papel sa team gayong ang tatlong nabanggit ay siyang tikador ng prankisa.

Well abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Pero ang paglipat ni Durant sa GSW ay hindi na bago sa NBA.   Marami nang star players ang gumawa noon.  Di ba’t nangyari na iyon kay LeBron James?   Lalo na nang lumipat siya mula sa Cleveland papuntang Miami Heat.   Inulan siya ng kritisismo at mura sa desisyon niyang iyon.   Pero matatag siya na napagkampeon ang Heat.   At pagkatapos ng stint sa Miami ay bumalik siya sa Cleveland para muling mamayani sa NBA kontra Warriors.

Ang mga star players na katulad ni Durant ay naniniguro rin na makakaranas sila ng kampeonato.   Ayaw nilang matulad sa ibang star players na nagbabad sa isang prangkisa na hindi nakatikim ng kampeonato hanggang sa magretiro.  Kaya normal lang sa kanila na sumanib sa team na alam nilang puwedeng magkampeon.

Masarap nga naman na makaranas ng kampeonato at magkaroon ng championship ring bago man lang lisanin ang NBA.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *