Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristina Gonzalez nakawala na sa imaheng boldstar

KAMAKAILAN lang ay nanumpa na si Cristina Gonzales-Romualdez, bilang bagong mayor ng Tacloban City, kapalit ng husband politician businessman na si Alfred Romualdez, siyam taon naging alkalde sa nasabing lugar.

Samantala, bago naging mayor ay nagsilbing councilor si Cristina nang tatlong termino sa Tacloban at First Lady ni ex-Mayor Alfred.

Sabi ay marami raw magagandang plano si Kring-Kring (palayaw ni Mayora Cristina) sa kaniyang bayan at suportado siya rito ng mister at kaniyang mga kaalyado.

Sa layo ng narating ng political career ng dating Seiko Star ay burado na rin ang imahe niya bilang primera klaseng hubadera noon sa nagsara nang movie outfit ni Boss Robbie Tan.

Actually magmula nang maging Mrs. Romualdez si Cistina ay unti-unti na siyang nakawala sa image niya sa pelikula.

Tinuod (totoo) gyud!

Sobrang obsessed kay Serena
GIAN CARLO GAGANTI KAY TENTEN SA ‘DOLCE AMORE’       

Dahil suportado ng nakatatandang kapatid na si Favio De Luca (Alvin Anson) mas tumapang at nagiging bayolente na ang dating mabait at maunawaing si Gian Carlo (Matteo Guidicelli) na kayang gawin ang lahat kasama na ang pumatay mabawi lang kay Tenten (Enrique Gil) ang babaeng pinakamamahal at matagal nang gustong pakasalan na si Serena (Liza Soberano).

Sa desisyong piliin si Tenten at mamuhay nang tahimik kasama ang pamilya Urtula sa Filipinas,  binalaan si Serena ng kanyang Mama Luciana (Cherrie Gil) na maghanda sa maaring mangyari sa kanila ni Tenten dahil hindi na niya kontrolado ang puwedeng gawin ng maimplwensiyang pamilya De Luca sa Italya at ni Gian Carlo mismo.

Sa episode na napanood nitong July 1, ipinakitang may hawak na baril si Gian Carlo. Ito kaya ang gagamitin niya o ni Favio sa pagpatay kay Tenten at magtagumpay kaya ang binata sa maitim niyang binabalak?

Paano na ang forever nina Tenten at Serena kung isa sa kanila ang mamamaalam sa Dolce Amore?

Huwag bibitaw sa pagtutok sa top-rating romantic teleserye sa ABS-CBN Primetime Bida na mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

EAT BULAGA AT CALLE SIETE BACK TO BACK SHOW NG TAPE AT APT ENTERTAINMENT

Tulad ng Eat Bulaga, good vibes rin ang hatid araw-araw sa mga manonood ng pinakabagong morning family comedy-drama series na “Calle Siete” na pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon at ng tambalang Eulan Valdez at Christian na ngayon ay parami nang parami na ang viewers.

Actually dekadang may back-to-back show sa GMA-7 ang Tape Incorporated at APT Entertainment na parehong pag-aari ni Mr. Tony Tuviera. Kaya kung gusto ninyong maaliw muna sa iba’t ibang kuwento ng mga karakter sa Mabuhay compound ng Calle Siete ay panoorin ito bago makisaya sa patok na mga segment ng Bulaga na hindi lang tuwa at aliw ang hatid sa mga Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo kundi namimigay pa ng malalaking papremyo araw-araw na sagot sa problemang financial ng mga nagsisipagwaging televiewers sa Barangay at Studio audience sa Broadway Studio.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …