THE real change is coming na talaga.
Out na raw si Gen. Rolando Nana sa Manila Police District at opisyal nang papasok si P/Supt. Joel Napoleon M. Coronel.
Ilang beses na rin naman natin nakadaupang palad si incoming DD, Supt. Coronel at nakitaan natin siya ng bakas ng kaseryosohan sa pagtatrabaho bilang opisyal ng pulis.
Dalawang bagay ang nakita natin sa kanya, disente at disciplinarian.
Kaya makikita natin sa dalawang katangian na ‘yan na siya ay makapamumuno nang maayos at susundin ng kanyang subordinates.

Siyempre, walang pag-aalinlangan na susundin at ipatutupad ni DD Coronel ang utos ng Pangulo at ni PNP chief, Gen. Bato.
Kaya ‘yung mga paloko-loko sa pulisya mabuti pang magtino na kayo.
Unahin na kaya ninyong linisin ‘yang INTELIHENSIYA GROUP sa MPD headquarters na pinamumunuan ng isang Kupitan at ang illegal terminal sa Plaza Lawton, DD Coronel?!
‘Yang dalawang ‘yan, tiyak parang 50 percent na naresolba ninyo ang kunsumisyon sa Maynila.
By the way, DD Coronel, kahapon pa lang ay pumutok na sa social media ang ginawa ninyong paglilinis sa Divisoria, bukas ‘yan po ang tatalakayin natin.
For the meantime, congratulations DD Coronel and welcome to MPD!
NEW MIAA GM ED MONREAL
NAG-INSPEKSIYON NA AGAD SA NAIA

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com