IT’S final, balik-showbiz si Kris Aquino base sa post niya sa IG account noong Huwebes ng gabi na, “I’ll Be Back.”
Walang malinaw na sinabi ang Queen of All Media tungkol dito na ayon na rin sa post niyang, “3 Thing to Keep PRIVATE: Lovelife, Bank Account, at Next Move.
“I belong to myself, but you can borrow me sometimes, Apart from some endorsement commitments this July, I’m going to try being quiet & private, let’s see how long it lasts?”
Aliw ang sinabing, ‘I’m going to try being quiet ang private, let’s see how long it lasts’ dahil maski sarili niya ay hindi niya kayang kontrolin kapag sobra siyang natuwa dahil nasasabi niya lahat.
Nasulat na namin dati na travel show ang gustong format ng next project ni Kris sa ABS-CBN at dahil lumabas na, baka ibahin na lang kasi nga gusto ng TV host na maging quiet at private.
Hindi naman kami sinagot ng taga-ABS-CBN kung nag-renew na ng kontrata niya ang Queen of All Media.
At sa pagbalik ni dating Presidente Noynoy Aquino sa kanyang bahay sa Times Street, Quezon City ay nag-post si Kris ng litratong magkakasama silang apat nina Josh at Bimby, “last IG Moment before Noy starts to enjoy his quiet life & by God’s grace may true & lasting love find him.”
Bukod sa pinasalamatan ni Kris ang buong grupo ng Presidential Security Group o PSG na nagsilbi sa pamilya Aquino sa loob ng anim na taon ay nag-post din siya ng litrato nilang grupo.
“Last picture w/ our team. They all have new assignments, dropping us off in Times was the last part of their duty. Having experienced this 24 years ago in 1992 prepared me for all the emotions of today, 2016. To quote a favorite song, “And if being real means you’ll someday say goodbye, remember my friend goodbye’s not the end, it’s a circle you know and it starts with one hello” #ProudPinoy.”
Nakaramdam kami ng lungkot sa ipinost ni Kris na habang paalis na si PNoy ng Malakanyang dahil ang background music na ginamit ay, Kay Sarap Palang Maging Pilipino at hinatid siyang pababa ng hagdanan ni President-elect Rodrigo Duterte.
At habang papaalis na ang sasakyan ni PNoy ay naka-hand salute lahat ng PSG at pulis habang dumaraan ang sinasakyan niya.
At ang huling post ni Kris, “The essence of DEMOCRACY,” na magkatabi sina PNoy na Citizen Noy na ngayon at President Digong.
FACT SHEET – Reggee Bonoan