NALOKA ako sa itsinika sa akin ng isang reliable source ukol sa isang beauty queen na may karelasyong magandang babae.
Nakagugulat dahil ni minsan ay hindi naman natsismis na tibo si beauty queen, in fact, ang daming nahuhumaling na mga guwapong lalaki sa kanya noong araw.
At nagkaanak siya huh!
Maging sa pisikal na anyo, ni sa hinagap ay ‘di mo siya mapagkakamalang tibo dahil maalaga sa katawan, babaeng-babae kung magbihis at higit sa lahat vain sa katawan.
Teka, ano kaya ang reaksiyon ng anak ng beauty queen? Naiintindihan kaya nito ang pangyayari?
( Timmy Basil )