Monday , December 23 2024

Mga pagbabago sa MMFF, uumpisahan na

00 fact sheet reggeePAGKALIPAS ng 41 years ay nagbago na ang regulasyon ng Metro Manila Film Festival na ginagawa taon-taon kasabay ng pagbabago sa pagpasok ng administrasyong Duterte.

Ang tagline kay President-elect Rodrigo ‘Digong’ Duterte ay ‘change is coming’ na sinudan din ng executive committee ng Metro Manila Film Festival sa pangunguna ni Chairman Emerson Carlos.

Ani Chairman Emerson, “’di ba gusto nating lahat ng change, so ito na umpisahan na natin.”

Nabalita kamakailan na may mga film producer na taunang sumasali sa MMFF ang hindi pabor sa bagong regulasyon dahil bukod sa maaga ang deadlines ng entries ay kailangang finish product pa at hindi na katulad dati na script lang ay puwede ng mapili.

Kaya naman laging may last minute changes sa artists and script kapag hindi sila available bagay na iniiwasan na raw ngayong 2016.

Ang paliwanag ni Solar owner, Mr. Wilson Tieng, “this year, gusto talaga naming maagang submission. Kailangan natin ‘yun kasi kung medyo late na mag-submit talo rin ang producer o gagawa ng pelikula dahil wala ng time to expose or to run ‘yung trailers nila, ‘yung mga advertising collaterals nila.

“Kaya nakikiusap kami na kung puwede, maaga na silang mag-umpisa para matapos na ‘yung pelikula para makagawa na rin sila ng magandang trailer kasi itatakbo pa ‘yun sa mga sinehan. Ang mga sinehan hindi naman nagtsa-charge ‘yan compared to TV stations and how much they charge, ‘di ba? Kaya kung magagawa natin ito (tapusin ang pelikula) makatutulong ito ng malaki sa promotion ng pelikula.”

Ang mga petsang itinalaga ng MMFF para sa submission ng Letter of Intent ay sa Hulyo 8; sa September 28 naman ang deadline for early bird submission; October 19-deadline for submission of short films; October 27- announcement of short film finalists; October 31-deadline for submission of full length films; November 3-9 competition committee screening; November 10–announcement of finalists; November 17 deadline for additional requirements by selected films; December 23-Parade of Stars; December 25- January 7, 2017 film festival period, at January 8 awards night.

MAAGANG DEADLINE AT FINISHED PRODUCTS

Masyadong maaga raw ang October 31 deadline, paano kung hindi ito kayang sundin ng ilang film producers at directors na maraming ginagawang pelikula rin? Magbibigay ba ng kaunting panahon tungkol dito?

Sabi ni Chairman Emerson, “deadlines, means dead-patay. So deadline, siguro we should stick with it and of course dati na nating pinag-uusapan ‘yan. There are instances na ang daming nagre-request ng deadlines, lalong-lalo na this year because we returned to the finish products as basis for the selection of entries for the film festival this year. This came all about because we want change, hindi po ba?

“Actually the demand came from stakeholders, dapat hindi script ang batayan ng pagpili ng entries sa film festival, so we listened to this, discuss it, sabi nga namin, madugong talakayan ang ginawa namin para magkaroon ng desisyon and we came up for this. Siguro this is the right time to start accepting and selecting films based on finished products.

“Maybe it could be very hard during the first year for this year, but people can adjust and eventually kapag nasanay na tayo na finished film talaga ang pagpili ng entries sa film festival, eh, mag-a-adjust na rin tayo next year, masasanay na tayo na umpisa palang ng taon, magpa-plano na tayo. And with that, we can achieve the change that we want na lahat nagpaplano ng film festival, hindi at the last moment.

“Maganda ang maagang planning and eventually, we will come up with quality film festival that will also hit the box office. We’ll expecting po this year na lahat ng entries would make it good in the box office. We’re expecting na iaangat natin lahat ang kalidad ng lahat ng kasali ng entries ngayong film festival at tutulungan natin lahat itong i-promote, sabay-sabay nating i-promote ito. This is one issues that agreed upon by the execom.”

DALAWANG KATEGORYA PARA SA MMFF 2016

At sa bonggang launching ng 2016 Metro Manila Film Festival na may tag line na Ang Bagong MMFF Cine Sama Na #Reelvolution sa SMX Convention Center, SM MOA noong Martes ng gabi na hinost nina Iza Calzado at Epy Quizon ay binago na raw ang lahat ng patakaran sa pagsusumite ng mga gustong lumahok sa taunang Metro Manila Film Festival.

Wala na ang New Wave Films category at dalawang kategorya na lang ang natira, ang Full-length feature film section at ang Short film section.

Para sa short film category ay kailangang magsumite ang mga lalahok ng tatlong (3) kopya ng application form, synopsis not more than 300 words, hard drive containing the film entry in DCP format o JPEG 2000, at brief resume background/ng producer.

At ang full length feature film section naman ay tatlong (3) kopya ng application form, synopsis not more than 300 words, hard drive containing ng film entry in DCP o JPEG 2000 or non DCP MV4, AVI, brief summary/background ng producer filmmaker’s filmography, entry fee ng P50,000 in cash, manager’s check or proof of deposit slip to MMFF account at may diskuwento na P30,000 para sa early bird entries.

Hindi naman binago ang walong full-length movie na kasama sa festival na mapapanood simula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2017, walong short films din ang kasama sa nasabing festival.

“Kaya po eight short films is to having one-on-one correspondence with the 8 main competition entries, para po ‘pag main movie, may short films, nakadikit po ito at the same time, we are promoting the shorts kasi mapapanood ito ng mga manonood ng main (movies),” katwiran pa ni Chairman Emerson.

NO CASH PRIZES

Wala na rin daw cash prize para sa mga mananalo katulad sa mga nakaraang taon, “no more cash prizes for this year (2016), we are just giving the prestigious trophy for Metro Manila Film Festival.”

Puwede pa bang sumali sa film festival ang mga pelikulang naipalabas na sa ibang bansa?

Pahayag naman ng Mowelfund President na si Ms Boots Anson Roa-Rodrigo, “kung naipalabas na sa festivals abroad or even locally, basta may abiso lamang sa execom. Lalo na’t ang isa sa criteria ay finish product na, so it is understandable na ‘yung mga natapos ng pelikula at naisali na sa ibang festivals, eh, it is really practical na ipasok kasi gawa na ‘yun with due timely notice to the execom.”

Sa tingin mo Ateng Maricris, kayang i-achieve ito ng film producers?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *