SPEAKING of Nadine Lustre and James Reid, naikuwento kamakailan ni direk Antoinette Jadaone after the presscon of The Achy Breaky Heartsna palabas na sa June 29, na ukol sa love, friendship, at family ang susunod na teleserye ng dalawa mula sa Dreamscape ng ABS-CBN2.
“Pero it’s one notch higher in a sense na mayroon siyang statement,” ani Jadaone. ”Mayroon siyang gustong sabihin, mayroon siyang gustong iparating na I think it’s very timely na itong JaDine ay malayo na ang narating.”
Si Jadaone ang isa sa director ng hit series na On The Wings of Love ng JaDine kaya hindi malayong nakakikilig at maganda rin ang istorya ng follow-up teleserye ng dalawa.
Sinabi naman ni James sa presscon ng Team Real book launching, na malapit nang mapanood ang kanilang teleserye.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio