Samantala, hiningan namin ng komento si Juday tungkol sa ‘Ate’ Sharon Cuneta niya na pumapayat na ngayon at napapanood ng tao na enjoy sa The Voice Kids Season 3 bilang isa sa voice coach.
“Proud ako kay ate (Sharon) kasi matagal ko ng sinabi sa kanya na kaya niya ‘yan (magpapayat), sobra ‘yung faith ko na kaya niya ‘yan mag-loose ng weight kasi nagawa na niya before after niyang ipanganak si Frankie, ‘di ba sobra siyang payat?
“So bigyan lang siya ng chance at huwag siyang i-pressure (mag-reduce), I’m sure kaya naman niya, I’m so happy for her, super happy talaga ako kay ate (Sharon) kasi, she’s back on track, alam mo ’yun fighting form na siya, may album, may TV show, may endorsements, I’m so happy talaga kasi deserves niya kasi Megastar siya, hindi siya puwedeng mawala.
“Maski sino mang star, Diamond Star, Megastar, Superstar, Star for All Seasons, they deserved to be there, hindi sila puwedeng mawala,” say ni Juday.
FACT SHEET – Reggee Bonoan