Saturday , November 23 2024

Illegal parking itinuro ni Tito Sen na dahilan ng grabeng traffic sa Metro Manila

Mismong si Senator Vicente Sotto III ay kombinsidong sanhi ng grabeng traffic sa Metro Manila ang mga illegal parking na kinokonsinti ng local authorities.

Aniya, sa kanyang pagbiyahe mula sa Quezon City hanggang sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, napansin niya ang sandamakmak na sasakyan na kung saan-saan lang naka-park.

At tama si Senator Sotto diyan!

Onli in da Pilipins na ang kalsada ay ginagastusan nang milyon-milyon ng gobyerno pero kapag natapos na, ‘e paparadahan lang ng mga sasakyan.

Hindi ba’t malaking prehuwisyo ‘yan sa lipunan?!

Gaya na lang ng illegal parking na pinagrereynahan umano ng isang barangay official?!

Ano na ang nangyari sa ipinagmamalaki ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naayos ang traffic at mga terminal!?

‘E ‘yung illegal parking nga lang sa Lawton ‘e hindi naman ninyo nalinis?!

Totoo siguro ang ipinamamalita ng isang Barker na kasama ang MMDA sa inaayos nila para huwag magalaw ang pinagrereynahan na illegal parking ng isang Burikak.

Tsk tsk tsk…

Talagang gusto pang hintayin si Presidente Digong bago magbalot-balota ang Reyna L. Burikak.

Saan ngayon dadamputin ang reyna ng illegal parking at ang pinalalamon niyang arkiladong manunulot na nakasiksik sa mapanghi niyang pundia kapag naupo na si Presidente Digong?!

Hindi na tatanggapin sa Mehan Garden ‘yan para magpaligaya ng mga ligaw na bayag, dahil bukod sa iika-ika na ‘e amoy lupa pa!

Pwe!

Mukhang totoo ang kasabihan, “Ang matandang hukluban na burikak at ang arkiladong manunulot na namunini sa illegal parking, tiyak na sa illegal parking din matetegas.”

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *