Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco-Jen movie, pang-MMFF entry ng Star Cinema

00 fact sheet reggeeBONGGA si Jennylyn Mercado dahil si Coco Martin pala ang next leading man niya sa pelikulang pang-Metro Manila Film Festival ng Starcinema ngayong taon.

Akala namin ay ang tambalang Daniel Padilla at Vice Ganda ang entry ng Starcinema ngayong taon na si direk Wenn Deramas mismo ang nagsabi sa amin noong nabubuhay pa siya.

At dahil wala na si direk Wenn, wala na rin ba sa plano ang DJ at Vice tandem ng Starcinema? Baka naman kasi pinag-iisipan pa kung sino ang direktor dito.

Balik-usapin sa Coco at Jennylyn tandem ay nakagugulat ito dahil akalain mo ang bilis kaagad ng follow-up ng aktres sa Starcinema pagkatapos ng Just The 3 of Us nila ni John Lloyd Cruz.

Hindi naman din lugi ang Starcinema at ABS-CBN kay Jennylyn dahil pawang hit ang mga pelikula niya mula sa English Only Please, #Walang Forever na pawang kasama sa MMFF at itong latest movie nila ni John Lloyd na Just The 3 of Us na kumita ng mahigit P180-M sa Pilipinas at umabot naman sa almost $5-M sa ibang bansa.

Bukod dito, muling nanumbalik ang init ni Lloydie sa pelikula dahil hindi naman kaila sa lahat na ilang pelikula niya ang hindi maganda ang kinita noong nakaraang taon.

At siyempre, hindi rin naman matatawaran ang record ni Coco na primetime king dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil laging lampas sa 40 ang ratings at ang pelikula nila ni Vice ang highest grosser sa kasaysayan ng Pelikulang Filipino na Beauty and The Bestie na ipinalabas noong nakaraang taon at siyempre mula sa direksiyon ni  Deramas.

Hmm, sino kaya kina direk Cathy Garcia Molina at Mae Cruz-Alviar ang magdidirehe? O baka naman may i-import ding direktor ang Starcinema mula sa ibang TV network?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …