At ang pahayag ni Kiray sa mga nagsasabing feelingera siya o nagmamaganda siya.
“Eversince naman kasi noong bata ako, ganyan na sinasabi sa akin ‘di ba? Sa ‘Goin’ Bulilit’ nga, parang sobrang used to it, hindi naman ganoon ang tingin ko sa sarili ko, eh. Kung hindi mo ako magugustuhan ng ganoon, wala akong pakialam sa ‘yo,” sabi ng aktres.
Sabi pa, “roon naman sa ‘Goin’ Bulilit’, nilalagyan ako ng pimples, hindi naman ako maitim noong bata ako, so okay lang. Wala akong galit sa kanila (bashers).”
May malditang fan na dapat daw ay iremake ni Kiray ang horror film na Chucky Doll, “ay nabasa ko nga, pero natawa lang ako, eh, natatawa ako sa mga taong lumalait sa akin, pero kapag nakikita ko ng personal, nagugulat sila hindi ko alam kung bakit, pero ayokong magyabang kasi sabi nila, ‘maganda ka pala?’
“Hindi kasi ako pangit, hindi ako pangit na tulad ng napapanood ninyo sa TV, hindi ako ‘yun. Kapag nakita n’yo ako ng personal, maayos ako.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan