Monday , November 25 2024

Arkiladong manunulot barking up the wrong tree

Dear Boss Jerry,

Bakit ba galit na galit ‘yung anak ng isang magpuputa ‘este’ magpuputo sa Valenzuela, na isang arkiladong manunulot ni mambabayag sa Mehan Garden?

Totoo bang nag-a-apply sa iyong maging editor ‘yan noon para sulutin ang isa pang editor pero hindi mo tinanggap dahil hindi marunong gumamit ng “ng” at “nang” na mahaba? Kaya mula raw noon ay nagtanim na ng galit.

Kaya nang makakita nang pagkakataon, sinulot naman ang beteranong beat reporter na writer ng isang barangay chairman. Nagtiwala naman ‘yung mama hinayaang makapasok si arkiladong manunulot sa sirkulasyon kaya hayun hindi niya alam siya naman ang inilaglag doon sa chairman.

Ngayon ipinamamarali na siya ang arkiladong manunulot ng isang mambabayag sa Mehan Garden. ‘Protektor’ daw siya ng Reyna L. Burikak para huwag mabanatan ang illegal terminal sa Lawton.

Hay ang sinalaulang Plaza Lawton at  Liwasang Bonifacio.

Kaya mula sa kolek-TONG ng illegal terminal na pinagrereynahan ni Reyna L. Burikak, biglang naglalawa ngayon sa mantika ang nguso ng arkiladong manunulot. Dati ang nguso ni arkiladong manunulot ay bitak-bitak at laging tuyot. Natuyot sa mga tira-tirang serbesa.

Ang latest, nangangarap ngayon ang mambabayag sa Mehan Garden na magtayo ng Pambansang Klub ng mga Mambabayag sa Tabing-ilog. Gagawing opisina ang isang abandonadong building na pinagkutaan ng isang wanted na killer ng isang anak ng fiscal at traffic police sa Lion’s Compound. Balak magtayo ng party-list para katawanin ang mga street dweller sa Mehan Garden, sa Liwasang Bonifacio, sa Plaza Lawton at sa likod ng post office.

Pansin ko rin Boss Jerry, malaki ang inggit ng arkiladong manunulot sa iyo, kasi pati mga termino na ginagamit mo at tanging sa iyo ko lang nababasa ay ginagaya.

Mukhang malala pa rin kasi ang identity crisis ng arkiladong manunulot. Noong araw kasi madalas mapagkamalang bayot ‘yan. Kaya lang ayaw mag-out. At para pagtakpan ang kanyang pagka-bayot, nahiratiang tumambay sa mga club sa Pasay, OTH (on the house) pa.

Pero walang mabingwit na bebot sa club kasi nga sabi ng mga bebot, hindi sila talo. Ang nagtiyaga sa kanya isang HIV victim, pero one night lang at hindi na siya binalikan, na-boring yata sa kanya.

‘E bakit ba hindi siya makapag-out kung ba-yot naman siya talaga?

Ang sagot: baka mawala ang ‘extra service’ kay Reyna L. Burikak, sayang din ang extra tong, of course galing pa rin sa kolek-TONG mula sa illegal terminal sa Lawton.

Dito na lang muna, Boss Jerry, sa susunod na kuwentohan ulit.

Ang iyong suking mambabasa,

Ben Tripper ng Brgy. 659-A

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *