Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay dedbol sa bundol ng SUV sa Italy

BINAWIAN ng buhay ang isang Filipina domestic helper makaraang mabundol ng Sports Utility Vehicle (SUV) sa Milan, Italy nitong Sabado.

Para sa agarang repatriation ng labi ng Filipina worker, inaayos na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kailangang mga dokumento para rito.

Kinilala ang overseas Filipino worker (OFW) na si Myrna Reyes, isang kasambahay, nabagok ang ulo sa insidente.

Base sa ulat, galing sa trabaho ang biktma at habang naglalakad pauwi sa kanyang tirahan nang biglang mahagip ng SUV.

Sa tindi nang pagkakabangga, tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo.

Agad isinugod ng Milan authorities sa pagamutan si Reyes na nagawa pang sabihin kung kanino dapat ipaalam ang nangyari sa kanya.

Binawian ng buhay ang biktima dahil sa internal bleeding makalipas ang isang oras.

Siniguro ng OWWA na tatanggap ng cash incentives at livelihood assistance ang mister ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …