Friday , November 15 2024

Hamon sa liderato ng MPDPC ang pagpaslang kay Alex Balcoba

DAPAT na maunang magpakita ang liderato ng Manila Police District (MPD) Press Corps ng pagpupursige at simpatiya kaugnay sa pagpaslang sa mamamahayag na si Alex Balcoba sa Quiapo, Maynila kamakailan.

Bukod sa pagiging pursigido, dapat rin maging agresibo ang liderato at mga miyembro ng nasabing press corps dahil hindi lang basta miyembro si Balcoba kundi isang opisyal, incumbent director.

Siguro mas mainam kung mayroon din sari-ling investigating body sa hanay ng nasabing press corps o ang NPC kaya, bukod sa binuong task force Alex Balcoba ng MPD at special task force ng National Bureau of Investigation (NBI).

Maging ang pag-ayuda man lang sa MPD at NBI hinggil sa mga sariling feedback na masasagap ay malaking tulong sa pagresolba ng kaso. Importante ang sariling kaalaman ng bawa’t indibidwal sa hanay ng mga mamamahayag ng nasabing press corps.

Alam ninyo MPD Press Corps President Francis Naguit, sayang din kasi ang lahat-lahat ng magandang pinagsamahan lalo sa piling at presensiya ng napaslang na si Director Balcoba.

Di ba nakaka-miss rin MPDPC Director Son, ang mga weekly at monthly na kundi ako nagkaka-mali ay meeting, board meeting, mga fellowship, general meeting, mga piging at higit sa lahat ang nalalapit na eleksiyon na kundi tayo nagkakamali ay ngayong Hunyo ng taon kasalukuyan?

Nasa oposisyon ba ang nasirang Director o nasa line-up  ng  kasalukuyang  administras-yon?

Whatever, wala na tayong pakialam diyan.

Alam mo Prexy Kiko Naguit, hindi rin sapat ang magbigay lang ng abuloy.

Sa tingin naminpagdating sa puso ng sino man lalo sa mga naulila ni Director Balcoba, mas masaya siguro sila at panatag kapag nakitaan tayo ng matinding pagkilos, paggalaw at malasakit mula sa liderato at mga miyembro ng samahan ng Manila Police District (MPD) Press Corps.

Responsible concern lang Pangulo, sampu ng iyong matitikas na opisyal kasama na rin kaming mga miyembro.

Pero maisasagawa lang ito sa pangunguna mo. Teach by example, hindi puwedeng ma-ging pansarili at diyan ka na magiging isang ehemplo na dapat sundin at tularan.

Matagal-tagal na rin na hindi napapansin sa MPDPC press office si Director Balcoba. Mas lalong hindi siya napagkikita sa mga meeting at mga pulong na naganap.

Kung sa bagay ay di na sakop ng karunu-ngan ko ang bagay na iyan bagkus ay mas sakop ng karunungan ninyo ang bagay na iyan bilang mga opisyal ng MPD Press Corps.

Sana’y huwag naman kakargahan ng nega-tibong pag-iisip ang ating mga binabanggit dahil  ito ay napapansin lang naman natin.

Wala rin tayong personal at ibang intensi-yon lalo ang makasakit ng kapwa.

Pagbubuklod lang ang nais ipahiwatig para sa isang matibay at matatag na press corps.

Sana’y maging inspirasyon na lang natin si Director Balcoba, mami-miss ka rin ng karamihan.

Tanging alaala mo lang ang maiiwan, isang Alex Balcoba na naging bahagi at institusyon ng Manila Police District (MPD) Press Corps.

Sa kanyang mga naiwan at mga naulila, taos -puso po kaming nakikiramay.

Justice for Journalist, meron nga ba?

ILAN taon o dekada na naman kaya ang dapat hintayin natin bago ma-convict, kung madadakip ang suspek at utak sa pagpatay kay Alex Balcoba?

Iyan ang mga katanungan na naglalaro sa ating mga isipan lalo sa isyung tungkol sa media killings.

Kung minsan ay dapat na tayo na mismo ang magsagawa ng mind-conditioning o mind-set. Hindi kaila sa atin ang dalawang matinding halimbawa na nangyari sa nakalipas na panahon.

Pinakamatindi rito ang Ampatuan Massacre sa Maguindanao na 54 katao ang niratrat hanggang sa kanilang kamatayan.

Mayoridad sa kanila media members na nag-cover sa isang post election event.

Matagal na rin nakapiit ang prime suspect na si Zaldy Ampatuan at iba pa. Halos magsa-sampung taon na ang nakaraan ngunit ang kaso ay ongoing o nganga pa rin.

Wala rin tayong ideya kung ano na ang estado nito.

Mantakin ninyo, tapos na ang termino ng da-lawang Presidente na sina Pangulong Arroyo at Pangulong Pinoy Aquino ay hindi pa rin tapos ang kaso na 54 katao ang pinaslang?!

Ang nakakatakot dito, baka sa bandang huli ay maabsuwelto pa ang mga damuho!

Tsk tsk tsk…

Sana naman sa pagpasok ni DIGONG DUTERTE bilang Pangulo ay matuldukan ito at maigawad ang katarungan para sa mga biktima.

Ganito ba talaga ang kalakaran sa ating batas?

Iba talaga ang tinitingnan sa tinititigan?

Sana’y huwag matulad ang kaso ni Balcoba sa ibang media killings na inagiw na pero wala pa rin hustisyang naigagawad!

Jutsice for Alex Balcoba and all victims of media killings!

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *