Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese kinasuhan ng murder sa pinaslang na Pinay transgender

KINASUHAN ng murder ng pulisya kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ang isang Chinese national na pumatay sa kinakasama niyang Filipina transgender na isinilid sa maleta nitong Sabado ng madaling-araw sa condominium unit sa nasabing lungsod.

Isinailalim na sa inquest proceeding sa Prosecutor’s Office ang suspek na si Jayson Santos Lee, 25, may pangalang Che-Yu Tsai sa pasaporte, nanunuluyan sa Unit 1154, 11th Floor, Tower D, Shell Residences, EDSA Extension, Brgy. 76 ng lungsod.

Ang biktimang si Robert William Reilly, kilala rin sa mga alyas na John  Leo Tababa at Ashley Ann, 23, ng Mabalacat, Pampanga, ay may sugat sa ulo, may mga pasa sa mukha at may saksak sa leeg.

Ayon kay Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay Police, inamin ng suspek na si Lee, nagkaroon sila nang mainitang pagtatalo ng biktima dahil sa malimit na paghingi sa kanya ng pera na labis niyang ikinairita at humantong sa pagpaslang kay Del Rosario.

Natuklasan ng guwardiya ng condominium nitong 4 a.m. ng Sabado ang mga patak ng dugo sa loob ng inuupahang condo unit ng suspek na agad ipinabatid sa mga awtoridad.

Habang natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng maleta sa southbound lane ng Cavite Expressway, Brgy. Zapote 5, Bacoor, Cavite dakong 9:30 a.m. nitong Sabado.

Naaresto ang Chinese nang bumalik  sa inuupahang condo unit upang linisin sana ang pinangyarihan ng krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …