Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, balik-ABS-CBN

JUNE na at buwan ng kasalan kaya tinanong namin si Meg Imperial kung magpapakasal na siya? Napag-usapan kasi namin na ikinasal na sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at engaged na rin si Kaye Abad.

“Huh? Kasal nino? Agad-agad. Ha!ha!ha! Wait lang ha, kalahating buwan makahanap ako,” pagbibiro niyang sagot.

“Wala..wala pa,eh. Feeling ko matagal pa kasi wala pa nga akong establish na dyowa, eh. At saka na ‘yun, darating din ‘yun. Sabi nga ng nanay ko, hindi raw hinahanap ‘yan, darating na lang ‘yun,” pakli niya.

Samantala, freelance si Meg  kaya posibleng ibalik na siya ni Boss Vic Del Rosario (Viva Artists Agency management) para magka-project ulit sa ABS-CBN 2 pagkatapos niyang gawin sa TV5 ang Bakit Manipis ang Ulap at ilang episodes ng Wattpad.

Nagpasalamat din siya sa Viva dahil naranasan niyang mapasama sa isang variety/game show gaya ng Happy Truck Happinas na wala na rin sa ere.

Mas nahasa kasi ang hosting skill niya at nagagamit din ang kanyang talent sa pagkanta at pagsayaw. Marami raw siyang natutuhan kina Ogie Alcasid, Gelli De Belen, at Janno Gibbs.

“Nabitin ako sa hosting. Siyempre, looking forward ako na rito ako matututo. Pero siguro ganoon talaga,” sambit pa niya.

Balik-pelikula na rin si Meg. May indie movie siya ngayon na ginagawa titledHiganti na isang family oriented movie. Kasama niya sina Jay Manalo,  Assunta De Rossi, Alwyn Uytingco, Katrina Halili, Kiko Matos, Jon Lucas atbp. May ginawa rin siyang telemovie  na Mariposa sa Sari-Sari with Mart Escudero. Isa ito sa challenging role na nagawa niya dahil dalawang personality ang ginampanan niya. Marami ang pumuri sa ipinakita niyang acting at kung mabibigyan pa raw siya ng ganitong klaseng role ay mas lulutang ang pagiging seryosong aktres niya.

‘Pag bakante  ang schedule ni Meg ay madalas siyang umuwi sa Naga para tulungan ang mommy niya na asikasuhin ang kanilang negosyo naTimeless Beauty  Salon and Spa. Pinaplano na rin nilang magtayo ng branch sa Legazpi City.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …