Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, gustong makilala ni Gabby

00 fact sheet reggeeINAMIN ni Garrie Concepcion na hindi siya sinabihan ni Michael Pangilinan na aaminin nito sa national television ang relasyon nila nang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda.

“Opo, hindi ko po alam, hindi niya sinabi sa akin, even after he was interviewed, he message me, ‘manood ka, nakatutuwa ‘yung interview’. So ako naman, hala sige nasa bahay, nood naman ako, tapos ‘yun,” napangiting sabi ng dalaga.

At dahil umamin na ang binata ay hindi na raw makapagde-deny si Garrie ”made-deny ko pa po ba (sabay ngiti). Opo, ready na po, nakatataba ng puso na to know someone is proud to be with you, so it’s a good surprise naman po.”

Tinanong namin kung kailan pero hindi pa rin nagsabi ang dalaga, ”bago palang po talaga. Huwag na po, alam n’yo na po, sa amin na lang po.”

Ang pinakanagustuhan daw ni Garrie sa boyfriend niya ay, ”napakalambing po ni Michael at maalaga.”

Ayon kay Michael ay matagal siyang nanligaw kay Garrie, ”Opo, nagpa-girl muna ako, nagpakipot muna (biro ng dalaga).”

Dagdag pa, ”hindi, ahh, ano po kasi, ‘yung one thing na napa-convince ako ni Michael, niligawan n’ya po talaga ‘yung family ko, especially ‘yung mom ko, ako po kasi, napaka-close ko kay mommy, so the fact na nagkakasundo po sila, okay na po ‘yun.”

Gusto raw makilala ni Gabby Concepcion ang lalaking nagpapasaya ngayon sa dalaga niya.

“Hindi pa po, pero alam naman po ni papa ‘yung mga nangyayari sa akin, tinatanong niya lang po kung kailan niya makikilala si Michael, sabi ko, ‘soon.’

“Alam din po ng mga sister ko, kay ate (KC Concepcion) ko po sinabi, siyempre nagkakakuwentuhan kami ni ate.

“Sabi ni ate (KC),’just enjoy’, ‘yun lang din naman po ang advise ni mommy, nandoon pa lang naman po kami ni Michael na we’re just enjoying each other’s company,” kuwento ng dalaga.

At dahil parehong singer ay may kantang isinulat sina Michael at Garrie.

“Actually, po on June 10, I will be releasing my album po, digital album sa spotify and kami po ni Michael ‘yung nag-co write (nagsulat ng lyrics).

“The title is ‘Umaasa’, it’s nothing to do with situation, ang nangyari po kasi roon, jamming lang kami sa bahay. Tumutugtog po kasi ‘yung kaibigan ng brother ko, tapos nagsing-along siya, ginawan niya ng lyrics tapos dinugtungan ko lang. Hanggang sa naging buong kanta na siya,” nakangiting kuwento ng dalaga.

At sa tanong namin kung sino ang mas matanda sa kanila ni Michael, ”ako po, seven years po. Ako po kasi na in a relationship to work, kailangan dalawang tao.

“And honestly po, si Michael is very matured for his age, minsan po yata nakakalimutan niya ‘yung totoong edad niya, and he’s telling me nga na dahil sa anak niya kailangan niyang mag-mature and I think, everything happens for a reasons so wala naman po kaming problema ni Michael kung sino ang mas mature o sino ang mature, wala naman po.

“Tanggap ko po ang baby niya, kasi sabi ko nga, who am I to judge kasi lumaki rin po ako na tinanggap ng stepfather ko. At saka ang importante po ay kung ano ngayon si Michael, hindi na ‘yung kung anong nangyari, what’s important to me is paano siya maging dad, and what I see naman po is napaka-hands on niya, responsible dad niya,” masayang sabi ng dalaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …