Friday , November 15 2024

P1-B liquid shabu nakompiska sa Pampanga

UMAABOT sa P1.1 bil-yong halaga ng mga kemikal na sangkap sa paggawa ng ilegal na shabu ang nakompiska sa pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Angeles Cty, Pampanga kahapon.

Bitbit ang search warrant, hinalughog nang pinagsanib na puwersa ng PDEA Central Luzon at AIDG (Anti ILLegal Drug Group) ng Crame, ang bahay na inookupahan ni alyas Chang, isang Chinese national, sa 2-7 Don Vicente St., Villa Dolores, Brgy. Sto. Domingo sa nasabing lugar.

Nakompiska ng mga awtoridad ang iba’t ibang kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu, 45 galons ng liquid shabu, 4 freezer, hydrogen tanks, at higit kumulang dalawang kilo ng shabu na sinusuri na sa laboratoryo ng PDEA.

Sa report ni Director Gladys Rosales ng PDEA 3, bandang 8:40 a.m. pinasok ng mga awtoridad ang target ngunit walang tao ang bahay na pag-aari ni Atty. Orlando Pangilinan, at nirerentahan ni Chang at kasamahang Taiwanese, mula Hulyo 10, 2015 hanggang Hulyo 9, 2016.

Ang shabu laboratoryo ay nasa kategorya bilang mega-industrial shabu lab na nakagagawa ng 50 kilos ng shabu sa isang production cycle, ayon kay Rosales.

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *