Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Born For You nina Elmo at Janella puwedeng matulad sa On The Wings of Love ng JaDine (Trailer pa lang marami na ang kinikilig)

Obyus naman na big budgeted ang “Born For You” na first team-up teleserye nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

Sa shooting pa lang nina Elmo at Janella sa bansang Japan na maraming eksena ang kinuhaan ay malaki na ang nagastos ng Dreamscape tapos kinuha pa ng production team ni Sir Deo Endrinal ang serbisyo ni David Pomeranz na orihinal na kumanta ng Born For You, na ginagamit din na titulo at themesong ng bagong serye ng Dreamscape.

Nakasama nina Elmo at Janella sa music video at trailer ng kanilang teleserye si David. Honest marami ang kinikilig tuwing ipinalalabas ang trailer ng Born For You, na kuwento ng magkababata na pinagtagpo uli ng tadhana matapos ang maraming taon.

Although magkaiba ng plot ay ‘di malayong masundan ng Born For You, ang tinamong success ng “On The Wings of Love” nina James Reid

at Nadine Lustre na malayo talaga ang narating in terms of ratings, commercial load at viewership sa iWant TV na number one sila.

And remember sa romantic-comedy serye, sumikat nang husto ang JaDine loveteam. Si Janella ay galing sa mga show na kinagat ng publiko, ito namang si Elmo ay malakas din ang dating kaya siguradong sure hit ang show ng dalawa na ngayon pa lang ay inaabangan na ng kanilang fans.

Ngayong Hunyo na mapapanood sa Kapamilya network ang Born for You.

Kakikiligan ninyo ang love team na ito gyud!

Famous na “Wheel Of Fortune” ni Tyrone Oneza sa FB Suportado ng mga Kapuso Star
BALLADEER RECORDING ARTIST TATANGGAP NG PARANGAL SA DANGAL NG BAYAN

More than 20,000 na ang tinanggap na entries at likers sa loob ng ilang oras ng mga nag-participate sa famous ngayong “Wheel of Fortune” sa FB, na namimigay ng 100 euro hanggang 500 euro at brand new branded Laptop sa mga mapipiling winner.

Kaya naman mas inspired ngayon ang Facebook King, na si Tyrone Oneza para mas lalo pang palawakin ang kaniyang Wheel of Fortune na nakatutulong financially sa pamilya ng mga nagsisipagwagi sa kanyang pakontes sa social media.

Lalo na ngayong suportado si Tyrone ng ilang mga Kapuso star na kinabibilangan nila Jackie Rice, Sef Cayadona, Kim Domingo, Diego, Betong atbp.

Nag-iisip ngayon si Tyrone ng bagong prizes na puwede niyang ipamigay sa mga susunod pang pahuhulaan.

Samantala nakatakda na rin pasukin ng balladeer ang pagpo-produce ng pelikula at kasama ng ilang supporters ay itinatag nila ang JMJ Production at soon ay sisimulan na nila ang kanilang first movie venture. Kabilang pala si Tyrone sa papangaralan ng Dangal ng Bayan, Proudly Pinoy Excellence Awards bilang “Outstanding Filipino Achievers.”

Gaganapin ito Sa June 19 sa AFP Ground Theater at mula Barcelona, Spain ay uuwi ng bansa ang singer para tanggapin nang personal ang nasabing award.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …