Friday , November 15 2024

Bartolome Drug Group, 1 pa todas sa ambush

CAMP OLVAS, Pampanga – Patay ang lider ng Bartolome drug group at isa pang kasama niya sa kotse makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Oliver Bartolome, 33, ng Brgy. Sapang, Jaen, Nueva Ecija, may standing warrant of arrest; at Warlito Pangilinan, 48, ng Concepcion, General Tinio ng nasabi ring lalawigan, may kasong illegal drugs.

Si Bartolome ang itinuturong lider ng Bartolome drug group at no. 1 sa listahan ng drug personalities sa nasabing lalawigan.

Sa ulat ng NE Provincial Police, nagsagawa ng joint operation ang Jaen PNP at Provincial Intelligence Branch nang mamataan ang mga suspek sakay ng gray Toyota Corolla (XGE-302) na nagresulta sa habulan patungong San Leonardo.

Nakorner ang mga suspek sa Brgy. Rizal hanggang  bumangga ang kanilang sasakyan sa isang paint shop.

Ngunit imbes sumuko, nakipagpalitan ng putok ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang .45 kalibre ng baril at isang .22 kalibre ng baril, siyam piraso sachet ng shabu at drug paraphernalia.

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *