Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis, 2 pa arestado sa droga

TIYAK na ang pagkasibak ni PO1 Orlando Danao Jr., 34-anyos, kasamang nadakip sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police, kapag naupo na si President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senior Supt. Vincent Salanoga Jr., si PO1 Danao ay nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4.

Kabilang din sa nadakip sa operasyon sina Eddie Protacio, 53, at Joyce-Ann Combis, 23, kapwa nakatira sa Balubad St., Brgy. Nangka, Marikina City.

Dakong 4:50 p.m. kamakalawa nang arestohin nina PO3 Jose Francisco at PO2 Procopio Fabillar ng Station-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang mga suspek sa lugar.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 pistol, shabu, at drug paraphernalia.

Nadakip ang mga suspek makalipas ang ilang linggong surveillance operation kaugnay ng pagtutulak ng droga sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …