Sunday , December 22 2024

Antenna ng TV tinamaan ng kidlat, 75 bahay natupok

NAWALAN ng tirahan ang 160 pamilya makaraan lamunin ng apoy ang 75 bahay nang tamaan ng kidlat ang antenna ng isang telebisyon na dahilan ng sunog sa isang compound sa Las Piñas City kamakalawa ng hapon.

Base sa inisyal na ulat ng Las Piñas Fire Department, pasado 3 p.m. nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Saint Louie Compound, Phase 2, Admiral Talon 3 ng nasabing lungsod .

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Mahigit tatlong oras tumagal ang sunog sa lugar bago tuluyang naapula ng mga bombero.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Rizal Experimental Station at inaayudahan ng Las Piñas Social Welfare Department.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *