Friday , November 15 2024

Demokrasya ng ‘Pinas, mawawasak kay Digong?

TAPOS na ang mga palabas, pagbibida  at paglalako ng mga pangako ng mga kandidato para sa iba’t ibang posisyon ngayong eleksiyon.

Bukas, boboto na tayong mga Filipino ng mga susunod na pinuno ng ating bansa.

Pero bago natin gawin ang pagboto, marahil dapat na muna tayong magmuni-muni sandali para mabusisi natin nang husto ang mga kandidato na nanlilimos ng ating mga boto. Hanggang sa yugtong ito, marami pa rin sa atin ang nalilito at hindi kumbinsido dahil tila kakaunti lamang sa hanay ng mga kandidato ang tunay na nagsusulong ng ating mga interes, mithiin at pag-asa.

Batid natin, sa loob ng anim na taon ng pamamahala ni Pangulong Benigno Aquino III, hindi naman umunlad ang ating buhay lalo na ang mga manggagawa at karaniwang tao. Hindi naman kasi tinupad ni P-Noy at ng kanyang Gabinete ang kanilang pangako na iaahon ang buhay ng marami sa ating mahihirap. Ito ang klarong dahilan at matibay na argumento kung bakit hindi natin dapat iboto ang mga kandidato ng Liberal Party. Lahat sila ay dapat nating ibasura sa ating balota.

Dapat nating hadlangan ang pagwawagi  ng mga kandidatong sina Digong Duterte at Bongbong Marcos  na lumalabas na mga nangunguna para sa dalawang pinakamataas na puwesto sa bansa. Silang dalawa ay mangangahulugan ng pagkawasak at pagkawala ng demokrasya sa ating bansa.

Ang mga kuwento tungkol kina Digong at Bongbong ay dapat magsilbing babala para sa atin. Dapat nating maunawaan at mapagtanto ang mga kabuuang implikasyon ng kung paano nila inabuso at ginamit sa maling paraan ang kanilang kapangyarihan sa politika kabilang ang nakaw at tagong yaman ng kanilang pamilya.

Tulad ni Jojo Binay, sina Duterte at Bongbong ay ayaw din ipaliwanag nang buo, malinaw, diretso, at kapani-paniwala kung paano at bakit ang kanilang yaman ay biglang naging ganoon na lamang ang paglaki habang wala namang nangyayaring pag-unlad ng buhay at paglaki ng suweldo sa hanay ng mga manggagawa at maralita sa ating bansa.

Gusto ba natin ng mga pinuno na gagamitin ang kanilang kapangyarihan para supilin ang ating kalayaan kasabay ng pagkakamal nila ng sangkatebaryang yaman na hindi naman nila ipapaliwanag sa atin kung paano nila nakuha? Hindi marapat na magkaroon tayo ng mga pinunong tiwali at sinungaling.

Ang mga kandidato na sina Grace Poe at Chiz Escudero – na tumakbo ang kampanya base sa mga plataporma at programa at hindi base sa mga porma at propaganda – ay maaaring hindi nakahiyakat ng pinakamalakas na ugong sa buong panahon ng kampanya dahil kapwa nila isinusuka ang malaswang biro at imoral na istorya. Ngunit marapat natin silang sipatin nang maigi at bigyan nang malaking konsiderasyon.

Maaaring ikagulat nating mga botante pero ngayong eleksiyon, sina Grace Poe at Chiz Escudero ang bukod-tanging lumilitaw na pinakamahuhusay sa hanay ng mga kandidato.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *