Friday , November 15 2024

Mga kasa at prostitution house naglipana sa Tondo (Attn: NBI-IACAT)

INILIPAT na pala ang mga dating kasa o prostitution den nina Doña Amparing at Metring sa Tondo, Maynila mula sa Binondo at Chinatown dahil hindi na raw makayanan ang malaking intelihensiya at tara na hinihingi ng mga awtoridad na nakasasakop sa nasabing lugar.

Napag-alaman na ang lugar na pinaglipatan ng mga kasa ay sa Raxa Bago St., sa kanto ng Juan Luna, Tondo, Maynila.

Ang nasabing mga kasa ay nakatirik sa kahabaan ng Juan Luna St., na ang front ay apat na magkakadikit na  beerhouse na pinamamahalaan umano ng isang malapit na kamag-anak ni Donya Metring.

Ayon sa ating impormante, ang estilo ng casa manager ay iinom ka muna sa ibaba at kukursunadahin ang tipo mong babae. Kapag nakapili ka na raw ng iyong kursunada ay ituturo sa kahera at magbabayad ng halagang P1000.

Pagkatapos, papapanhikin na sa ikalawang palapag kasunod ang batang babae sa loob ng isang maliit na cubicle na halos dalawang tao lang ang magkakasya.

Ang isang libong ibinayad ay may kasama pang dalawang beer na consumable. Ang apat na beerhouse ay ganito ang kalakaran. Mayroon mga cubicle na higit-kumulang sa 12 na halos dingding at kurtina lang ang pagitan.

Sipat na sipat ang mga prostitution den dahil pagsapit ng dilim ay nakabalandra na sa labas ang sangkaterbang batang babae.

Sa nasabing lugar na pinaglipatan ng casa sa Tondo ay kayang-kaya raw nila ang intelihensiya at tarang ibinibigay ng mga pulis na nakasasakop dito.

Bukod pa raw dito, marami pang lugar sa Tondo ang napag-alamang inuupahan ng mga tao nina Doña Amparing at Metring para gawing casa.

Garapalan sex trafficking ‘yan Yorme Erap!

Marinduque Rep. Regina O. Reyes panalo sa kasong disqualification

ABSUWELTO sa COMELEC ang disqualification case na inihain laban kay Marinduque Rep. Regina O. Reyes sa botong 3-0.

Ang disqualification case na inihain laban sa kanya ni Elleasar H. Velasco ay ibinasura  ng Comelec 1st division noong April 29,1916. Sa isang resolusyon, sinabing kuwalipikado si Reyes na tumakbo bilang kinatawan ng Marinduque sa halalang May 9  ngayong 2016.

Sinang-ayunan ng Comelec na isang natural-born Flipino si Reyes matapos isumite ang Identification Certificate na iginawad ng Bureau Of Immigration base sa Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003.

Nagbigay rin ng kanyang Affidavit Reiterating Renunciation of Foreign Citizenship bilang pagtakwil niya sa kahit anong uri ng banyagang pagkamamamayan.

Ang naghain ng kaso na si Velasco ay kamag-anak umano ni SC Justice Presbiterio Velasco na sinasabing ama naman ng kanyang katunggali bilang Kinatawan ng Marinduque na si Lord Allan Velasco.

Kombinsido ang 1st division ng Comelec na may mas malinaw at kompletong basehan si Reyes sa lahat ng naging deklarasyon niya sa kanyang Certificate Of Candidacy (COC).

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *