Friday , November 15 2024

Serial rapist na taxi driver muling umatake sa Makati

 MULI na namang umatake ang serial rapist na taxi driver at isang 26-anyos babaeng document controller ang nabiktima ng panghoholdap at panggahasa sa Makati City nitong Linggo.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Makati City Police kaugnay sa insidente.

Base sa ulat na tinanggap ni Makati Police chief, Senior Supt. Ernesto Barlam, sumakay ang dalaga sa puting taxi na may plakang UVJ-738 sa harapan ng Security Bank sa Ayala Avenue malapit sa Pase De Roxas dakong 4:30 a.m.

Nagpahatid ang biktima sa hindi nakilalang driver sa C-5 Water, Taguig City at sinabihang dumaan sila sa Mc Kinley Road ngunit biglang nag-iba ang ruta ng taxi at tumungo sa EDSA southbound patungong Magallanes Interchange.

Pagsapit sa lugar, naglabas ng baril ang driver at agad tinutukan ang biktima bago nagdeklara ng holdap.

Hindi pa nakontento ang suspek na kunin ang mga cellphone, cash at mahahalagang gamit, dinala ang biktima sa madilim na bahagi ng Guadalupe Cloverleaf at ipinarada ang taxi saka ginahasa ang babae.

Nang makatakas ang biktima mula sa suspek ay agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang insidente sa kabila ng trauma na inabot niya sa salarin.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *