Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, aware sa mga ginagawa ni James kaya ‘di affected

00 fact sheet reggeeSA ginanap na This Time presscon ay inamin ni James Reid na partygoer siya at minsan ay kasama niya ang girlfriend niyang si Nadine Lustre kapag libre kaya more or less ay wala siyang secret sa dalaga.

Kumalat kasi kamakailan ang video na may kasamang babae ang aktor sa kotse at tila may kaugnayan sa aktor bagay na ikinabahala ng netizen dahil nga alam naman ng girlfriend na nito si Nadine.

Hindi itinanggi ni James ang video, “in that video, I was on my way home and we gave a friend a lift, she’s an old friend of mine. She’s 29, she’s old friend, it’s really nothing with that video.”

At sa mga basher na nagsabing niloloko nga ni James si Nadine, “I don’t have to explain myself every time.”

At kay Nadine lang nagpapaliwanag ang binata, “Of course, I have to explain to her. I mean, she knows I will never do anything to hurt her. I explain and she’s very understanding.”

Kaya pala sa tuwing makakausap si Nadine ay hindi siya affected sa mga balita dahil nga alam na niya simula palang ang ginagawa ng boyfriend niya at never pa raw silang nag-away simula noong naging sila na.

Samantala, masayang ikinuwento ni Nadine na natupad na childhood dream niya na makakita ng cherry blossoms sa Japan noong mag-shooting sila ng This Time at kasama pa si James.

Kuwento ng aktres, “first time ko po sa Japan kaya masaya po at in five days po, puro shooting lang po kami. At first time ko pong makakita ng cherry blossoms, sobrang ganda po kahit one day ko lang po nakita, sobrang ganda.”

“Masaya ako para sa kanya (Nadine) kasi it’s her first time to see cherry blossoms and it’s her dream since she was like 7 years old that’s why I’m very happy for her,” saad naman ng binata.

Nagulat din ang Jadine na napanood sila sa isang Japanese TV show, “it’s surprising saw ourselves on TV during lunch time, we thought we’re in the Philippines. It was strange experience,” sabi ni James.

Sa kabilang banda, tinanong ang dalawang bida ng This Time kung ano ang masasabi nila na tinapatan sila ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na produced ng Starcinema considering na Kapamilya stars din ang JaDine.

Sabi ni James, “hmm, it’s a first time experience anything like this so I don’t really know how to react but I’m always believe in healthy competition. Of course, we’re surprise as well and yeah, I really don’t know how to react.”

At si Nadine, “nagulat din po ako, but then, I don’t know how to react kasi first time, ewan ko po. Ako po kasi first time ko rin ma-experience na mayroong dalawang movies same rin po ‘yung ano, playdate nila.

“And were happy naman po, kasi siyempre si kuya Lloydie din naman po ‘yun, but then we’re not competing naman po with anyone, so we’re just really excited and happy po sa ‘This Time’.”

Kaya abangan na lang kung ano ang mas papasukin ng tao bukas, Mayo 4.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …