Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charlene, greatest gift para kay Aga

00 fact sheet reggeeKAARAWAN ni Charlene Mae Gonzales-Muhlach noong Mayo 1 na kasabay din ng Araw ng mga Manggagawa.

Simple lang ang selebrasyon ni Charlene ng 42nd birthday niya dahil pamilya lang ang kasama niya at ganito naman talaga ang gusto ng dating beauty queen kasama siyempre ang mommy Elvie Gonzales, kambal na sina Atasha at Andres at ang hubby niyang si Aga Muhlach.

At sa kanyang Instagram account ay binati ni @agamuhlach317 ang kanyang one and only love.

“I remember vividly a few days before my mom passed away, in her hospital bed she told me to come near her and told me, ‘ga (pet name of Aga) ‘wag ka na mag-alala at malungkot, handa na ako mawala.

“Binigay na ng Panginoon Ang kaisa-isang dalangin ko para sayo. Hindi Ang pera at Kung ano mang matiryal na natatamasa mo ngayon kungdi ang dalangin ko noon pa na makatagpo at makapag-asawa ka ng babae na hihigitan pa ang pagmamahal na binigay ko sa ‘yo. Si Charlene Ang pinaka magandang nangyari sa buhay mo, wag mo siyang pababayaan!

“Habang buhay kang magpapasalamat Sa ating mahal na Panginoon ha.”

“Haaaay, My love@itsmecharleneg you really are God’s greatest gift to me and our children. I know you hate this photo I took of you! Haha! but the real beauty that’s inside you is what comes out on this one! You’re really beautiful inside and out. Happy birthday.”

Totoo naman talaga ang lahat ng sinabi ng mama Anita ni Aga na inside and out ay mabuting tao ang asawa niya at kilala rin namin simula noong sumali siya sa Binibining Pilipinas hanggang sa pasukin niya ang pag-aartista habang nag-aaral din University of Santo Tomas sa kursong BS Pychology hanggang sa nakapagtapos. At take note, basketball player din si Charlene sa UST.

Huminto na sa pag-aartista si Charlene buhat ng magpakasal sila ni Aga sa St. Joseph the Worker Parish sa Picdal, Baguio City noong 2001 na tatlong buwan buntis sa kambal nilang sina Atasha at Andres.

Hosting job na lang ang tinanggap noon ni Mrs. Muhlach hanggang sa kalaunan ay tuluyan nang huminto dahil mas pinili nitong tapusin ang masteral sa ibang bansa.

Kaya totoo nga Aga, suwerte mo kay Charlene at siyempre, masuwerte rin naman sa ‘yo ang asawa mo. Maligayang kaarawan sa 1994 Binibining Pilipinas Universe.1

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …