Friday , November 15 2024

5-anyos patay, 3 pa sugatan sa Taguig fire

PATAY ang 5-anyos batang babae nang ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay habang tatlo ang sugatan sa insidente sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SFO1 Aristeo Reloj ng Taguig City Fire Department, ang biktimang si Christine Noces, ng Purok 6, Kawayanan, Cayetano St., Brgy. Tuktukan ng nasabing lungsod.

Sugatan sa insidente sina Aldrin Carbon, Marites Fernandez, at Carmina Alfonso, pawang nasa hustong gulang, agad nilapatan ng lunas.

Sa inisyal na ulat ni SFO1 Reloj, arson investigator, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Benjie German, kapitbahay ng pamilya Noces, pasado 12 a.m. dahil sa napabayaang nakasinding kandila nang mawalan ng koryente.

Mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang 200 bahay na pawang gawa sa light materials, sa naturang lugar. Umabot sa ika-limang alarma ang sunog bago naapula bandang 5:20 a.m.

Naiwang natutulog ang batang biktima sa loob ng kanilang bahay nang mangyari ang sunog.

Tinangka pa siyang gisingin at iligtas ng kanyang kapatid na hindi nabanggit ang pangalan.

Ngunit dahil malaki na ang apoy, walang magawa ang kapatid kundi tumalon na lamang sa bintana upang makaligtas sa sunog.

Aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan habang mahigit sa P300,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *