Wednesday , December 25 2024

Alvarez, nabighani kay Versoza!

DUMATING sa bansa ang image model ng New Placenta for Men at Mr. International na si Fernando Alvarez para sa isang buwang punompuno ng activities para sa promotion ng New Placenta for Men.

At isa nga ito sa nakapanood ng katatapos na Binibining Pilipinas 2016na nakita nito ng personal sa kauna-unahang pagkakataon ang PinayMiss Universe na si Pia Wurtzbach.

Kuwento ni Fernando nang mag-guest sa DZBB Walang Siyesta last April 20,  ”I saw Ms.Universe Pia Wurtzbach during Binibining Pilipinas Coronation night and she’s very beautiful and gorgeous.

“Watching Binibining Pilipinas is unforgetable experience, I appreciate being there, it’s a lot of fun, Pia and all the Binibini’s are beautiful.

“I’ve seen a lot of Ms. Universe, but seing them (Binibining Pilipinas candidates) in a well develop I just had to take off my hat for you Filipino’s. You guys are really good,” mahabang tsika ni Alvarez.

Bet niya raw si Binibining no. 31, si Kylie Versoza na nagwagi bilangBinibining Pilipinas International.

“She’s very beautiful, she’s well develop and I love her catwalk, she’s amazing.

“Since the begining I saw her projection and I feel like her because she’s a model and I can see her experience in catwalk, how she project, she’s a good candidate for me,” pagtatapos ni Alvarez.

Francis, ipinahanap ni Direk GM para sa Pagkatapos ng Umaga

PERSONAL choice ng mahusay na director ng pelikulang Pagkatapos ng Umaga, The Story of Love na si Direk GM Aposaga sina Dianne Medina at Francis Magundayao.

“Lagi ko kasi siyang (Dianne) napapanood sa kanyang morning show (‘Good Morning Boss’) sa NBN 4 at alam ko at kabisado ko ‘yung nagiging guest niya.

“At saka alam ko naman na mahusay siyang aktres at bagay sa kanya ‘yung role ng isang teacher (Ma’am Elya).

“Si Francisnaman ipinahanap ko talaga siya kasi kailangan ko ng isang teen actor na gaganap doon sa role ni Pedro.

“At alam ko na magaling umarte si Francis at bagay na bagay din sa kanya ‘yung role kaya siya ‘yung kinuha ko.

Kasama rin sa pelikula sina Jef Gaitan, AJ Ocampo, Princess Flores, Jong Cuenco, Maria Isabel Lopez, Kyline Alcantara, Joshua Nubla, at Irma Adlawan.

Generation 6 and X3M, maghahatawan ngayong tag-araw

MAGPAPAKITA ng kani-kanilang dance moves para sa 2016 Hatawan sa Tag-araw ang dalawa sa pinakabago at hottest dance group sa bansa, ang Generation 6 at X3M.

Ang Generation 6 ay kinabibilangan nina Moja Frial, Mico Delos Reyes,Kevin Andrew, Mark Gonzales, Carl Justine Cahile, at JB Paguiosamantalang ang X3M naman ay kinabibilangan nina Juancho Ponce,Ericson Suratos, Zoren Jickain, at RG Aquino sa April 23, 5:00 p.m. sa Starmall, Las Pinas at sa April 24, 3:00 p.m. sa Starmall, San Jose Bulacan hosted by DZBB 594 Walang Siyesta achor Johna Chu Chu.

Makakasama ng Generation 6 at X3M ang former GTB Boys atUPGRADE member na si Ron Mclean Galang. Tiyak na kikiligin ang mga kababaihan sa inihandang production numbers ng Gen 6 at X3M. Habang haharanahin naman ang mga ito ni Ron Mclean.

Ang Starmall shows ng Gen 6, X3M, at ni Ron ay hatid ng Starmall, Olive C, New Placenta, Aura Soap, at YSA Skin and Body Experts.

About Hataw News Team

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *