Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot sinaksak ng kaulayaw sa motel

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang babaeng hinihinalang nagbebenta ng panandaliang aliw nang saksakin ng isang lalaking lasing sa isang motel sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Nakaratay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Beth Velarmino, 36, ng Paliparan, Molino, Bacoor, Cavite.

Habang agad naaresto at nakapiit na sa Pasay City Police ang suspek na si John Carlo Revilla, 21, service crew, ng 79 Sgt. Mariano St., Don Carlos Revilla, Brgy. 148 ng lungsod.

Dakong 12:30 a.m. nang mangyari ang insidente sa loob ng Room 326 sa Rotonda Hotel sa panulukan ng EDSA at C. Cruz Street.

Sinasabing nag-check-in sa nasabing motel ang biktima kasama ang suspek at makaraan mairaos ang makamundong pagnanasa ay iniwan ang babae sa kuwarto.

Ngunit bumalik ang suspek na armado ng patalim at ilang beses na sinaksak ang biktima.

Sumigaw sa paghingi ng tulong ang biktima na narinig ng hotel attendant na si Jimmy June Ocera, 23-anyos. 

Mabilis na humingi ng tulong si Ocera sa mga guwardiya ng motel nang makitang duguan ang babae at agad nadakip ang suspek na nagtangkang tumakas makaraan ang krimen.

Sa pulisya, mariing itinanggi ng suspek ang pananaksak at ikinatuwirang wala siya sa kanyang sarili bunsod ang kalasingan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …