Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet 16 niluray ng tiyuhin

SWAK sa kulungan ang isang 34-anyos factory worker makaraan gapangin at halayin ang 16-anyos pamangkin ng kanyang live-in partner sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jonarie Bonganay, kinakasama  ng tiyahin ng biktimang itinago sa pangalang Abby.

Lumabas sa imbestigasyon ni SPO2 Learni Albis, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan  City Police, dakong 10 p.m. kamakalawa nang maganap ang panggagahasa ng suspek sa biktima.

Napag-alaman, nakahiga si Abby sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Sitio Mapalad  Llano, Brgy.167 nang dumating ang lasing na suspek. Nilapitan ng suspek ang biktima at puwersahang hinalay.

Pagkaraan ay nagbanta ang suspek na may masamang mangyayari sa kanya at sa kanyang tiyahin kapag siya ay nagsumbong kaugnay sa insidente.

Ngunit pagkaraan ng insidente, inilahad ng biktima sa tiyahin ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8353 o Anti-Rape Law sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …

Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio …

Gun Fire

Sa Pasay City
Notoryus na kawatan todas sa inuman

PATAY ang isang lalaking nakikipag-inuman sa tabing kalsada matapos barilin sa ulo, nitong Miyerkoles ng …

San Simon Pampanga

Alkalde ng San Simon, Pampanga nagtatago na

NAGTATAGO na ang suspendidong alkalde ng San Simon, Pampanga na si Abundio Punsalan, Jr., matapos …