Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, na-thrill makatrabaho si Lloydie

SA kaso naman ni Jennylyn Mercado na kahit single parent, nakai-inspired siya dahil lalong gumanda ang takbo ng career. Blessing para sa kanya ang anak niya. Halos lahat ng sikat na actor sa showbiz ay nakatambal na niya.

“Siyempre masarap ang pakiramdam, na experience ko kung paano sila magtrabaho. Rati pinanonood ko lang sila ‘yung mga pelikula ni Direk Cathy. Hindi ko na i-explain kung gaano ako kasaya at ang suwerte-suwerte ko binigyan ng chance na makatrabaho ko sila,” aniya.

Napag-alaman naming may naunang movie project si Jen bago ang Just The 3 of Us. ”Nag-usap naman ng maayos, hindi muna, sa susunod na lang. Nagkasundo naman, hindi ko naman tinanggihan.”

Nang malaman ni Jennylyn through Becky Aguilar (her manager) na may gagawin siyang movie project sa Star Cinema at si John Lloyd ang makakatrabaho, sinabi nitong. ”Sabi ko, sige, sige gumawa tayo ng time para sa kanila. Kasi noong time na ‘yung nagte-taping pa ako ng isang soap. Medyo masikip pa ‘yung schedule ko. Kahit anong mangyari gagawan ko siya ng time talaga para magawa ‘yung proyekto.”

Na-thrill daw si Jennylyn na makatrabaho si Lloydie dahil matagal na niyang dream na maging leading man ang aktor. ”Sino ba naman ang hindi mae-excite kay John Lloyd ? Napakagaling na actor, ang pogi-pogi, tignan ninyo. I’m sure, hindi lang ako pati mga ibang actress gusto siyang makatrabaho.”

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Jaime humingi ng paumanhin ‘nasagasaan’ ng amang si Anjo

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa …

Onemig Bondoc Aiko Melendez

Onemig, Aiko happy together 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAKAMIT na kaya ngayon ni Onemig Bondoc ang matamis na ‘Oo’ ni Aiko Melendez? …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …