Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Milby at MJ Lastimosa may relasyon? Aktor hinahangaan sa Doble Kara

Kalat ngayon sa social media na nagkakamabutihan na umano itong sina Sam Milby at Miss Universe Philippi- nes 2014 na si Mary Jane Lastimosa? Nagsimulang maging close raw ang dalawa nang pareho silang maimbitahan noon sa wedding nina John Prats at Isabel Oli at mag-participate sa garter game. Si MJ rin ang siyang nakasalo sa ipinaagaw na wedding bouquet ni Isabel. Mula noon ay madalas na raw magkita sina Sam at MJ at ngayon ay may bu- lung-bulungan na may relasyon na ang mga ito. Pero hangga’t wala pang kompirmasyon mula kina Sam at MJ ay mana- natiling rumors muna ang sinasabing relasyon daw ng dalawang celebrity. Samantala happy si Sam at mga co-star sa Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes sa magandang ratings na kanilang nakukuha lately kung saan as of presstime ay nagkamit sila ng 18.4% na rating. Ginagampanan pala ng Kapamilya actor ang karakter ni Sebasti- an na boyfriend ng isa sa kambal sa serye na si Kara. Mahusay ang performance dito ni Sam at sumasabay ng aktingan hindi lang kay Julia kundi kina Maxene Magalona( kapatid niya sa DK), Mylene Dizon, Ariel Rivera, John Lapus etc. Malayo na ang narating ng career nito gyud!

MY SUPER D, BAGONG AABANGAN SA ABS-CBN PRIMETIME BIDA NGAYONG ABRIL 18

After ng Juan Dela Cruz ni Coco Martin, na hindi lang namayagpag noon ratings game kundi nanguna pa. Isa na namang bagong drama-fantasy series na ” My Super D” ang mapanonood ninyo simula ngayong Abril 18(Lunes) sa ABS-CBN Prime- time Bida. Pagbibidahan ito nina Richard Yap, na gaganap na unang Super D, Dominic Ochoa(bagong Super D), Marco Masa, Marvin Agustin, Sylvia Sanchez, Bianca Manalo, Myrtle Sarrosa, Atoy Co, Ronaldo Valdez. May special participation dito sina Ronnie Lazaro, Precious Lara Quigaman atbp. Sina Direk Lino Cayetano at Direk Frasco Mortiz ang mag-didirek ng bagong handog na programa ng Dreamscape Entertainment. Maganda ang plot ng istorya ng My Super D, na pangungunahan ng pinoy super hero na si Richard na dahil sa kabayanihan ay pinatay ng isang gang ng bombahin ng mga ito ang isang mall. Ang anak ni Tado(Ronnie) na si Dominic ang papalit bilang  Super D at gaganap namang anak niya si Marco.

PINSAN NI ERIK SANTOS NA SI AICELLE SANTOS TUMATAK ANG PANGALAN SA EAT BULAGA

Pinsang buo pala ni Erik Santos ang binansagang “Traffic Diva” ng Eat Bulaga na si Aicelle Santos. Yes hindi man pinalad noon si Aicelle na maging kampeon sa Pinoy Pop Superstar, ngayon ay bukod sa proyekto ng sin- ger-actress sa GMA-7 ay bukambibig ang pangalan nito sa televiewers ng Bulaga dahil sa kaniyang daily segment na kantahan with the commuters sa gitna ng traffic sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa may tapat ng Broadway Ce- ntrum. At kinagigiliwan talaga si Aicelle sa nasabing portion kung saan namimigay siya ng 5 K each at gift pack sa tatlong winners nila daily. Sumasabay rin ng kantahan ang live studio audience at homeviewers sa ating nag-iisang Traffic Diva.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …