Sunday , December 22 2024

Pamilya, sinisi ni Leni sa pagbagsak sa bar exams

HINDI katanggap-tanggap ang mga palusot ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa kanyang pagbagsak sa bar examinations noong 1992.

Dahil maisisiwalat din naman lalo’t nasa huling yugto na ang pangangampanya at batuhan ng putik ng mga kandidato, nagtapang-tapangan na si Leni at kanyang inamin kamakailan sa harap ng isang college graduating class sa Quezon na isa siyang bar flunker.

At narito na ang kanyang kasuklam-suklam na paliwanag sa mga kabataan na nanghihingi ng inspirasyon sa kanya na sa totoo lang ay parang ginoyo niya.

Bago tanggapin ni Leni ang pagtakbo bilang running mate ni LP presidential bet Mar Roxas matapos ang ilang beses na pagpapakipot, hiniling niya sa kanyang partido na protektahan laban sa maruming politika ang pinakamamahal na tatlong anak na babae nila ng kanyang yumaong mister na si Interior and Local Government secretary Jesse Robredo pero siya mismo ang bumali sa kanyang pakiusap.

“Nag-aral kasi ako para maging abogado kasabay ng pag-aalaga ko sa mga bulilit ko, e,” sabi ni Leni na tinutukoy ang maliliit pa noon na sina Aika, Tricia at Jillian.

Hindi rin napigilan ni Leni ang sarili na gamitin ang pangalan ng patay na niyang asawa para lang maisalba ang nakahihiya niyang pag-amin na isa siyang bar flunker.  Sabi niya: “Biro n’yo, nanay na ‘ko, teacher din, tapos, inaasikaso ko pa si Jesse na mayor noon sa Naga City. Kainis!”

Kawawang Jesse, hindi na makasasagot sa asawa dahil nasa kabilang buhay na. Kawawa ring Aika, Tricia at Jillian! Silang mga walang kamuwang-muwang na isinangkalan ni Leni para lang mapagtakpan ang kanyang personal na kabiguan sa buhay.

Ipinalabok pa niya na nagpabalik-balik siya mula Naga-Manila at Manila-Naga habang nagre-review siya para sa bar exams na maiisip ng sinumang barrister na may sentido komun na hindi praktikal gawin.

Kung napapanganga sa pinagsasasabi ni Leni ang mga kabataang kabilang sa graduating class, napanganga sila nang tuluyan nang diinan ng LP vice presidential candidate ang kanyang mensahe: “OK lang bumagsak!”

PTJ! Patay Tayo Jan!

Hindi maaaring gawin ito ni Leni sa kakaibang “bar exams” na ang mga mamamayan at ang bansa na ang nakasalalay.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *